Ibinahagi ni Catriona Gray Kung ano ang Ginagawa Niya sa Kaniyang mga Bashers at sa ibang mga Bully na mga Netizens




Simula nang manalo bilang Miss Universe 2018 si Catriona Gray o Catriona Elisa Magnayon Gray ay nagsunod-sunod na ang mga balita patungkol sa kaniya. Marami ang namangha hindi lamang sa angkin niyang kagandahan kundi pati na rin sa talino na kaniyang ibinabahagi sa karamihan. Hindi nga nakakapagtaka na mahalin siya ng ating mga kababayan maging ng mga banyaga dahil sa kagandahan ng kaniyang kalooban.

Ngayong taon nga ay natapos na ang kaniyang responsibilidad bilang Miss Universe at nagawa na rin niya ang mga hangarin para sa kapakanan ng mga kabataan at mga taong nangangailangan ng tulong. 


Ganoon pa man, hindi pa rin siya tumitigil sa pagbibigay ng inspirasyon lalo na sa mga kababaihan. 



Sa katunayan ay abala rin siya sa pagsusulat ng aklat na pinamagatan niyang 'Conquering Your Universe' at paggawa ng mga videos sa kaniyang sariling YouTube account.


Kamakailan lang ay naimbitahan siyang muli sa Kapamilya talk show na 'Tonight with Boy Abunda' at sumailalim sa isang nakakatuwang laro na 'Yes, No, Maybe' kung saan kailangan niyang sagutin ang mga tanong gaano pa man ito ka-intriga. 

Nang tanungin nga siya kung bina-block niya ang kaniyang mga bashers ay narito ang kaniyang naging sagot:


"I do, It's a very empowering thing for me to do because I feel like I take away their power and I take away the negativity at the push of a button. It doesn't mean that I really go through and I read everything, but if I'm scrolling and I find something, I will block it. These are bashers."

Hindi na nga nagpatumpik-tumpik pa si Catriona at ibinunyag sa publiko kung ano ang ginagawa niya sa mga taong puro negatibo ang binibigay sa kaniyang buhay. 




Inamin rin niya na habang lumalaki ay nakaranas siya ng 'bullying' at 'body shaming' ngunit hindi ito naging hadlang sa pag-abot niya ng kaniyang mga pangarap.

Sa kasalukuyan ay abala siya sa pagbukas ng mga proyekto sa show business at sa katunayan ay nabigyan siya ng pagkakataon na makapag-perform sa noontime show ng ABS-CBN na ASAP.


Talaga namang walang makakapigil sa isang kagaya ni Catriona Gray na punong-puno ng positibong pananaw at magandang hangarin hindi lamang para sa sariling kapakanan kundi pati na rin sa mga tao sa kaniyang kapaligiran.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!