Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan



Ang magkasintahang Maine Mendoza at Arjo Atayde ay nagdiwang na ng kanilang unang anibersaryo nitong nakaraan lamang. Si Maine ay nakilala sa pagiging Dubsmash Queen nito at lalong namayagpag noong maging kapareho nito si Alden Richards, kung saan ang kanilang loveteam ay tinawag na “Aldub”. Si Arjo Atayde ay isang aktor at anak ng beteranang aktres na si Sylvia Sanchez.




Unang nagkakilala ang dalawa sa story conference ng pelikulang kasali sa 2018 Metro Manila Film Fest na Jack Em Popoy: The Puliscredibles noong July 2018. Isa sa mga lead role ng pelikula si Maine bilang Emily “Em” Fernandez at naging supporting actor naman si Arjo na gumanap bilang Andrew Montenegro.


Nang nakitang magkasama ang dalawa sa publiko noong Setyembre taong 2018 sa isang event kung saan si Maine ay nagkaroon ng collaboration project kasama ang Mac Cosmetics. Naroon si Arjo upang sumoporta sa aktres kasama sina Christine Babao at Sheena Halili. 

Nasundan pa ang mga pagkakataong nakita ang mga ito na magkasama sa paglipas ng mga buwan kagaya noong sila ay namataang nagdi-dinner sa Makati at dumadalo sa mga party sa Bonifacio Global City noong buwan ng Oktubre taong 2018.


Naging kontrobersyal ang panimula ng kanilang relasyon lalo pa dahil ang napakaraming fans ng love team na Aldub ay umaasa na sina Maine at Alden ay mauuwi sa mas seryosong relasyon. 


Marami ang hindi naniniwala noong una na totoong nagkakamabutihan na sina Maine at Arjo, sa katunayan nga ay na-bash nang husto ang aktor sa social media—bagay na ninais aksyonan ng ina nitong si Sylvia Sanchez dahil talagang labis-labis ang masasamang salita ang ibinato sa anak nito. 

Natuldukan lamang ang mga di matapos-tapos na intriga noong January 2019 noong manggaling na mismo kay Arjo na sila nga ay ekslusibong nagde-date na ni Maine. March 2019 naman noong birthday ni Maine nang aminin na mismo nito na sila nga ay may relasyon ni Arjo.



At ngayon nga ay nagdiwang na ng kauna-unahang anibersaryo ang magkasintahan at halata sa mga ito ang kaligayahan. Sa dami ng kinailangan nilang harapin bago pa man sila maging ganap na magkasintahan ay talaga namang deserve ng dalawang ito ang maging maligaya sa piling ng isa’t-isa sa wakas.

Ibinahagi ni Maine Mendoza ang isang larawan na kasama si Arjo sa kaniyang Instagram account na may caption na, “Happy first” na nangangahulugang ito ang kanilang first anniversary bilang magkasintahan.




Samantala, ibinahagi rin ni Arjo sa kaniyang Instagram post ang larawan nilang dalawa ni Maine kung saan hawak hawak nito ang kamay ng aktres sa isang beach na may Instagram caption na, “Thank you for everything Babs. Happy First Anniversary, I love you.”



Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa