Inspiring Post ng Isang Doctor sa Kaniyang Tatay na Isang Pedicab Driver sa Pagsuporta Nito sa Kaniyang Pag-aaral




Batid ng bawat magulang na ang pagtatapos sa pag-aaral ng kanilang mga anak ay isang malaking tulong upang mapaganda ang kanilang buhay sa hinaharap. Kaya naman lubusan ang pagsisikap na ginagawa nila para mapag-aral ang mga ito. 

Halos araw-araw silang nagtatrabaho upang masigurong masusuportahan ang mga anak hanggang sa pagtatapos nito sa kolehiyo at hindi nga matatawaran ang kanilang ginagawang pagsasakripisyo. Ganoon pa man, agad naman itong napapalitan ng walang katumbas na saya kapag nakita na nilang nagmamartsa sa entablado ang kanilang mga anak habang suot ang toga at hawak-hawak ang diploma na patunay ng tagumpay nila sa pag-aaral. 

Marami tayong mga kababayan na halos ganito ang kwento at isa na nga dito ang pedicab driver na ngayon ay mayroon ng anak na doktor! 


Ang kwentong ito ay ibinahagi mismo ng medical doctor student na si Marven Louie Badon Ragay sa kaniyang Facebook post kung saan pinasalamatan niya rin ang ama sa walang sawa nitong pagsuporta sa kaniyang mga pangarap. 

"Pa salamat kaayo sa imong pag-supporta nako. Ang imong abot sa pamasahero nakapalahutay nako sa pageskuwela. Congrats nimo! A pedicab driver with a son who is a medical doctor. You must be proud of me father,"pagbabahagi ni Marven. 




Hindi biro ang maging isang doktor dahil maliban sa may kamahalan ang pag-aaral ng kursong ito ay matagal din ang proseso na kailangang pagdaanan ng mga estudyante ngunit hindi ito naging hadlang kay Marven at sa kaniyang pamilya. Batid nilang mahirap ang kanilang pagdadaanan pero kayang-kaya basta't sila ay magkakasama. 


Nag-aral at nagtapos si Marven sa Medical School ng Silliman University na matatagpuan sa Dumaguete, Negros Oriental. Ang paaralang ito ay mayroon ding sariling hospital na kilala bilang Silliman Medical Center Foundation Inc. at dito din madalas na magtraining ang kanilang mga estudyante. 




Ang pagtatapos ng binata ay isang pasimula pa lamang ng panibagong yugto ng kaniyang buhay bilang isang doktor dahil marami pa siyang kailangang gawin para makakuha ng lisensiya at kailangang maipasa ang "medical board exam". Ganoon pa man, kampante si Marven na magtutuloy-tuloy na ang kaniyang mga pangarap lalo pa at alam niyang hindi siya iiwan ng kaniyang pamilya lalo na ng kaniyang ama. 


Lubos ngang naantig ang puso ng mga netizens sa ibinahaging kwento ni Marven sa social media at sa muli ay napaalalahanan sila na hindi hadlang ang kahirapan sa buhay sa pag-abot ng ating mga pangarap dahil walang imposible sa isang taong nagpupursigi.

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Nakatuklas Ang Lalaking Ito Ng Higit 2Milyong Dolyar Na Ancient Treasure Na Mula Pa Sa Mga Ancient Vikings

Sari-Sari Ang Naging Komento Tungkol Sa Larawang Ito Dahil Sa Pagkakasalansan Ng Mga Hollowblocks Sa Isang Bahay

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa