Inspiring Story ni Tatay na Nag-aampon ng mga Aso sa Lansangan Kahit na Walang-wala Ito, Nasurpresa Matapos Bigyan ng Tulong




Ang mga alagang hayop sa bahay katulad ng aso at pusa ay parte na ng buhay ng bawat pamilya na nagmamay-ari nito. Karamihan sa atin ay talagang ginagastusan pa ang mga ito mula sa pagkain hanggang sa pagpapa-groom ng mga ito sa salon upang mapanatiling maganda ang itsura ng mga ito. Hindi rin biro ang halaga na ibinabayad sa bawat pagbisita sa klinika ng mga beterinaryo tuwing kailangan ng mga ito ipa-check up o kaya’y bakunahan lalo na kapag sila ay maliliit pa. 

Gayun pa man, mamahalin man ang uri ng pamumuhay ng ating mga pets o payak lamang, alagang-alaga pa rin ang mga ito ng kani-kanilang mga pamilyang kinabibilangan. Tila ba malapit ang ating mga puso lalo na sa mga aso dahil sila nga ang tinaguriang "Man's bestfriend" na nakakapagbigay ng saya sa atin.




Katulad na lamang ng isang lalaki na nakilala sa pag-aalaga ng mga aso sa kalye. Siya ay si Tatay Boyet, ang nag-ampon ng mga aso sa kalye kung saan inaalagaan niya ito na tila ba parang kapamilya na niya.


Isang netizen na nagngangalang Ran ang nakakita kay Tatay Boyet sa lansangan habang tulak-tulak ang kariton nito.


Ang kaibahan nito sa iba ay marami itong mga aso sa kanyang kariton, kaya naman naantig ang puso ni Ran at naisipan nitong ibahagi ang kwento ni Tatay Boyet sa social media para matulungan rin ito at ang kanyang mga alaga. 





Sa kalsada lamang nakatira si Tatay Boyet ngunit hindi naging hadlang ang sitwasyon nito upang matulungan ang mga asong natagpuan na nangangailangan ng pagkalinga. 


Kinupkop niya ang mga ito at itinuring na pamilya. Araw-araw ay kasama niya ang mga ito at dala-dala kung saan man sila mapadpad. Ang ano mang pagkain nito ay ibinabahagi niya sa mga alaga at hindi nito kailanman naisip na iwan na lamang ang alin man sa mga ito kahit pa napakahirap ng buhay nila kung tutuusin.


Dahil sa kahanga-hangang pagmamalasakit ni Tatay Boyet, hindi nagtagal ay nag-trending ang kwento nito at marami ang nagnais na maghatid ng tulong. 

Sa katunayan nga ay nagbigay ng maagang pamasko para rito at sa mga alaga nito ang sikat na online shopping app na Lazada. Noong araw na iyon ay naabutan nila si Tatay Boyet sa Aurora Boulevard at agad nitong namataan ang mga munting regalo na inihandog para sa kanila. 



Mayroong mga pagkain para sa kanyang mga mahal na alaga at iba pang bagay na makakatulong sa kanila kagaya ng banig at mga kumot. Maligayang-maligaya si Ran na nakatulong siya kay Tatay Boyet kahit pa sa munting paraan lamang. 




Nawa’y magsilbing inspirasyon ang kwento ni Tatay Boyet sa maraming tao na hindi dapat maging hadlang ang katayuan sa buhay para makatulong sa iba--- tao man o hayop.

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa