Isang Guro na Buntis na Kailangan Pang Umakyat ng Bangon, Tumawid ng Dagat at Maglakad ng 2 Oras Para Makapagturo




Mahalaga ang tungkulin ng mga guro sa ating komunidad. Sila ang tumatayong pangalawang magulang sa mga estudyante at tumutulong ang mga ito sa paghubog ng mga bata upang sila ay lumaki nang maayos, may disiplina at may magagandang asal. 

Higit pa roon ay instrumento rin ang ating mga guro upang magkaroon ng mas magandang kinabukasan ang mga mag-aaral, kaya naman hindi rin talaga biro ang kanilang propesyon. 

Swerte ang mga nakakatanggap ng maayos na benepisyo ngunit ang ilan sa kanila ay maraming dinaranas na paghihirap lalo na ang mga nagtuturo sa mga liblib na lugar sa malalayong probinsya.

Katulad na lamang ng isang dakilang guro na nagngangalang Jay Ann Salibio sa isang isla sa may Occidental Mindoro.


Si Teacher Jay Ann ay nagtuturo sa Patag Elementary School Annex at hindi madali ang sinusuong nito para lamang magampanan ang tungkulin na kanyang sinumpaan. 




Malayo sa kabihasnan ang nasabing paaralan kaya naman upang makarating doon ay kailangan niya pang tumawid ng dagat, umakyat ng bangin at maglakad ng mahigit kumulang 2 oras. Lubhang mapanganib ito hindi lamang sa normal na tao kundi lalong-lalo na sa kanyang kalagayan dahil ito ay nagdadalang tao. 


Gayunman, tila hindi ito alintana ni Teacher Jay Ann dahil mahal nito ang propesyon at hindi nito nais na iwanan ang kanyang mga estudyante, kaya gaano man kahirap ay tinitiis nito iyon.

Ayon sa guro ay hindi naman ito naglalakbay nang ganoon araw-araw dahil nangungupahan ito kasama ang iba pang katrabaho sa isang kubo kaya’t lingguhan lamang kailangan umuwi ng mga ito.


Ang kanyang mister ay tumatanggap ng pananahi para maipandagdag sa kanilang ipon at pantutos na rin sa lahat ng pangangailangan nila sa bahay pati na rin sa kanyang panganganak. 



Nakakasama niya lamang ito tuwing wala itong trabaho kaya mahirap rin talaga kung tutuusin ang sitwasyon nito lalo na at walang nag-aasikaso sa kanya habang siya ay nagdadalang tao. 


Nagpasa umano rin si Teacher Jay Ann ng request sa DepEd na mabigyan sila ng kanyang mga kapwa guro ng life vests na magagamit nila sa pagtawid nila sa dagat, ngunit wala pa rin silang natatanggap na sagot mula sa mga ito at pati na rin ang maternity leave niya ay hindi pa rin naaaprubahan.


Kaya naman nagpatuloy lamang ito noon na magturo at maglakbay habang siya ay buntis dahil ito ang kaniyang tungkulin bilang isang teacher.


Nanganak ng ligtas si Teacher Jay Nobyembre noong nakaraang taon at nabiyayaan sila ng isang malusog na anak na lalaki. Marami ang napahanga sa dedikasyon nito sa trabaho at isa raw itong sa mga nagpapatotoo na tunay na mga bayani ang ating mga kaguruan.

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse