Isang Lola na Hirap sa Pagbebenta ng Unan at Plastic Bottles na Mag-isa Upang May Makain sa Araw-araw, Tinulungan ng mga Netizens na Ito


Maraming kwento ng mga matatanda ang naitampok na sa iba’t-ibang mga artikulo, mga istorya ng buhay na talaga namang nagpa-antig sa mga puso ng sinumang nakabasa sa mga ito. 

Karamihan sa kanila ay kumakayod pa upang may maipakain sa kani-kanilang mga pamilya. Ngayon ay isa na namang kwento ng isang matanda ang nag-trending sa social media matapos makita ng mga netizens ang kalunos-lunos na sitwasyon nito.

Umuulan noong araw na iyon nang mapansin ng grupo ni Khaye Pccaster ang naglalakad na matanda sa maputik na daan habang may dala-dalang supot. 

Naawa ang mga ito kaya hinintuan nila ang Lola at tinanong kung saan ito nakatira upang masamahan nila ito pauwi. Madulas ang daan dala ng ulan kaya nais nilang makasiguro na makakauwi ito nang ligtas. 




Sa kanilang paglalakad ay napag-alaman nila na nagbebenta ito ng mga boteng gawa sa plastik at unan, sa katunayan ay ang laman ng supot na dala nito ay isang sira-sirang unan. Hindi nito alintana ang ulan dahil ayon rito ay kailangan nitong kumilos upang magkapera para may maipambili sila ng pagkain.


Nagkasundo ang magkakaibigan na mag-ambagan upang makabili sila ng kaunting pagkain para sa matanda at sa pamilya nito upang sa ilang araw man lang ay siguradong may makain ang mga ito. 




Nabilhan nila ito ng mga pagkain de lata at tinapay, bagay na labis ipinagpasalamat ni Lola. Nahirapan sila sa paglalakad dahil ang daan patungo sa tahanan nito ay madulas at maputik. Pagdating nila sa tinutuluyan ng matanda ay hindi nila napigilang maluha nang makita nila ang kalagayan ng pamilya at tirahan ng mga ito. 



Nakatira si Lola sa isang munting bahay kasama ang anak nitong may kapansanan at apong lalaki. Sa hirap ng buhay ng mga ito ay napipilitang magbenta ng kung anu-ano si Lola para magkaroon ng pera at nakakaawa man ay kahanga-hanga rin ang pagsisikap ng matanda.


Ang mga litrato kuha noong araw na iyon ay ibinahagi ni Khaye sa social media. Nagtrending ito at umani ng papuri ang grupo nito dahil sa ginawang pagtulong kay Lola. Marami ang nagdarasal na sana ay matulungan ang matanda at ang pamilya nito para naman hindi na kailanganin na magbenta pa ito dahil delikado na para sa mga taong nasa edad nito ang magpagala-gala sa daan. Nawa’y magbigay daan ang post ni Khaye upang mabago ang buhay ng mga ito.

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan