Isang Netizen Nagbigay ng Payo sa Iba Tungkol sa Sinapit ng Kaniyang Anak Dahil sa Sobrang Paggamit ng Gadget




Sa panahon ngayon, halos lahat ay pwede nang gawin sa ating mga telepono, computer at iba pa. Marami sa atin ang nakadepende na sa mga gadgets na ito sa araw-araw na buhay dahil nagagamit natin ang mga ito sa pagtatrabaho, pag-aaral at pampalipas ng oras. Ang mga kabataan rin ngayon ay imbes na maglaro sa labas tulad noong unang panahon ay nawiwili na sa kakapanood ng mga videos sa Youtube at paglalaro ng iba’t-ibang games sa cellphone, kaya naman ilang oras ang mga ito nakababad sa gadgets na kung hindi pipigilan ay hindi rin titigil. 

Ganito mismo ang gawain ng batang tampok sa kwentong ibinahagi ng kanya mismong ina sa Facebook.

Nito lamang nakaraan ay nag-viral sa social media ang post ng isang ina na nagngangalang Chery na tungkol sa kanyang anak at sa sinapit nito.

Ayon rito, isang umaga pagkahatid nito sa mga bata sa paaralan ay bigla na lamang umiyak ang isa sa kanyang mga anak dahil sa pananakit ng mga mata. Bahagya niya pa itong napagalitan at napagsabihan na sana mas maaga nitong sinabi na may dinaramdam para sana hindi na niya ito pinapasok, ngunit bigla rin itong nahabag sa kondisyon ng anak kaya nagdesisyon na rin ito na dalhin agad sa espesyalista lalo na nang mapag-alaman niya mula sa guro ng anak na noong nakaraang biyernes ay umiyak na rin ang bata dahil sa kaparehong dahilan.





Nang matingnan ng doktor ang bata, nadiskubre nilang mataas-taas na rin ang grado ng kanyang anak at kakailanganin na nitong magsuot ng salamin sa mata. 


Masyado pang bata ito para lumabo agad ang paningin ngunit ipinaliwanag ng eksperto na malamang daw ay sanhi ito ng labis-labis na paggamit ng mga gadgets. Nakaramdam ng pagsisisi ang nanay at pakiramdam niya ay nagkulang siya bilang ina dahil hindi niya natutukan masyado ang sariling anak. 


Ayon pa rito, mayroon silang unlimited na koneksyon sa internet at may piso-net pa kaya naman tagalang madalas mababad ang anak sa gadgets habang siya ay abala sa mga gawaing bahay at sa pagtatrabaho.




Ibinahagi ni Chery ang sinapit ng anak upang ipaalala sa mga tulad niyang magulang na mas bantayan ang mga bata at limitahan ang paggamit ng mga gadgets upang hindi sila matulad sa kanyang anak. Mas mabuti pang sanayin na lamang sila na mag laro gamit ang mga laruan at hindi gamit ang gadget upang mapangalagaan ang kanilang anak at mailayo sa radiation.


Maliban pa sa masakit sa kalooban nito na makitang may dinaramdam ang anak ay masakit rin daw ito sa bulsa dahil tunay nga namang dagdag gastos ang pagkakaroon ng mga kondisyon sa ano mang parte ng katawan, kaya mas maigi na siguruhing maayos ang kalagayan lagi ng bawat isa sa pamilya.




source: Facebook/Chery-Disay

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Batang Walang Computer, Hinahayaang Makigamit Ng Tab Sa Isang Gadget Store Para Makagawa Ng Assignment

Dating Pulubi, Nagtapos ngayon ng Valedictorian at Nakatanggap ng Scholarship sa Australia

College Student Ibinahagi Kung Paano Niya Pinagkakasya Ang 20 Pesos Na Allowance Niya Araw-araw Hanggang Nakagraduate Siya