Jeepney Driver sa Marikina, Nanlibre ng Sakay sa Kanyang mga Pasahero Dahil Kaarawan Niya!




Viral online ang isang tsuper ng jeep dahil libre ang sakay niya ngayong bilang handog niya sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Ngayong Disyembre 30, Lunes, ipinagdiriwang ng isang jeepney driver ang kanyang kaarawan. Naisipan niyang ilibre ng sakay ang lahat ng kanyang pasaherong. Bumabyahe si manong sa rutang Calumpang-Cubao.

Sa loob ng jeep, may nakapaskil na “Libre sakay, wala pong bayad. B-day ng driver, Dec. 30.” Ang larawan ay kuha ni netizen Judy Huarde. Kung saan ibinahagi niya ang nakaka-goodvibes na balita. Imbes na kasi si Manong driver ang tatanggap ng regalo dahil kanyang kaarawan ay siya pa ang namigay ng regalo sa kanyang mga pasahero.




Maraming namangha at bumati kay Manong dahil sa simpleng paraan ay nakapagbigay siya ng kaligayahan sa iba. Ngayon ding araw ay ipinagdiriwang rin ang Rizal Day. Ayon sa ilang mga netizens, kaarawan ni Rizal kaya naman maraming mga bayani katulad ni manong ang gumagawa ng kabayanihan kahit sa simpleng paraan. Nawa ay biyayaan lalo si manong ng Panginoon.

Dagdag pa ng ilang mga nagbigay ng komento, sa mundo natin ngayon na ginagalawan na puno ng poot at negatibo kinakailangan natin ang mga katulad ni kuya upang paliwanagin ang ating buhay. At kay sarap regaluhan ng mga taong katulad ni manong na kahit simple mamuhay ay may malasakit sa kaniyang kapwa tao. Sana ay dumami pa raw ang mga katulad ni manong na may busilak na puso. 


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!