Judy Ann Santos, Nagluto ng Pagkain Upang Ipamigay sa 1,000 Taal Evacuees




Bumilib ang mga netizens sa actress na si Judy Ann Santos matapos magluto ng pagkain para sa 1,000 katao at ipinamigay sa mga apektado ng bulkan Taal. Sa post ni Ryan Agoncillo, ibinahagi niya ang larawan kung saan nagluluto ng paksiw ang kaniyang asawa na si Judy Ann. Dalawang malalaking kaldero ang pinaglutuan ng actress upang magkasya ang ulam sa mga evacuees.

Kilala si Judy Ann bilang mapagbigay na actress, kaya naman kita sa kanyang malaking ngiti na excited rin siya mamahagi ng tulong sa kanyang mga kababayang nasalanta. Ibinahagi rin ni Ryan ang larawan ng kanilang panganay na anak na si Lucio. Kung saan tumulong rin sa paghahanda ng pagkain. 





Bumuhos na rin ang tulong mula sa iba’t ibang sikat na peronalidad sa bansa. Nauna ng nagpaabot ng tulong ang binansagang real-life Darna si Angel Locsin. Nagpaabot rin ng tulong si Matteo Guidicelli at kanyang kapwa sundalo sa iba’t iban bayan ng Batangas.

Kahit si Mayo Isko Moreno ay nagbigay ng kalahating milyon piso para sa relief operations ng Red Cross sa Batangas. Sa post naman ni Judy Ann, aniya, dalawang evacuation na umano ang kanilang napuntahan upang mamigay ng pagkain. Namigay rin sila ng reusable box kung saan may lamang mga basic needs ng bawat pamilya.

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Ginawa Ng Estudyanteng Ito Ang Improvised Ballpen Na Gawa Sa Kahoy Dahil Pursigido Siyang Makapag-aral Kahit Wala Siyang Gamit