Kakaibang Pagbati ng Tatay Para sa Kaniyang Anak Dahil sa Pag-pasa ng Board Exam, Nag-viral Sa Social Media!




Sadyang walang masidlan ng saya ang nararamdaman ng mga magulang kapag nakapasa sa pagsusulit o kaya’y may nakamit na karangalan ang kanilang mga anak. Kagaya na lamang ng tatay ni Romerson Nanao kung saan proud na proud ang kanyang ama matapos siyang pumasa sa Engineering licensure exam.

Sa viral post ni Romerson, damang-dama ng mga netizens na maligayang-maligaya at proud pa ang tatay niya sa kanya. Gamit ang karton at pentelpen, ipinaskil sa harap ng kanilang gate ng ama ni Romerson ang mga katagang “Congrats Son! Engr. Romerson Nanao #4143- Passed”.




Labis namang nagpapasalamat si Romerson sa pabati ng kanyang ama. Sa simpleng pagbati lamang nito ay ramdam niya ang pagmamahal ng kanyang tatay para sa kanya. Samantala, naantig naman ang damdamin ng mga netizens sa ginawang effort ng tatay ni Romerson. Batid rin nila ang sayang nararamdaman nito para sa anak.

Isang karangalan na para sa mga magulang ang makapagpatapos sila ng kanilang mga anak. At mas higit pa sa kasiyahan kung nakapasa rin ito board exam ang mga ito. Ang viral post ni Romerson ay umani na ng mahigit 10,000 shares sa social media. Tunay na ka proud proud naman talaga si Romerson dahil sa kaniyang nakamit na tagumpay!


Comments

Popular posts from this blog

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!