Kakaibang Pakulo ang Naisip ng Mister na Ito sa Kaniyang Misis Tuwing Ito ay Naglalaba ng Kanilang mga Damit!



Hindi biro ang mga gawaing bahay na araw-araw na ginagampanan ng dakila nating ina. Nariyan ang walang sawang paglilinis, paghuhugas ng plato, pagluluto at ang pinaka-nakakapagod sa lahat ang paglalaba. Maaring napagaan na ng kaunti ang gawaing ito dahil na rin sa pag-unlad ng ating teknolohiya ngunit ganoon pa man malaking oras pa rin ang ginugugol ng ating mga nanay sa pagsisigurong mayroon tayong maisusuot na malinis at mabangong damit. 

Sa katunayan, mayroon pa ngang pagkakataon na nasusubok ang kanilang galing sa ganitong uri ng gawain lalo na kung maulan at hindi makapagsampay sa labas ng bahay o di kaya naman ay may kapitbahay na nagsindi ng pausok sa kanilang bakuran.

Kaugnay nito, isang mister ang kinagiliwan ng mga netizens at naging viral sa social media dahil sa magandang ideya na kaniyang naisip para kahit papaano ay mapangiti ang kaniyang may-bahay.


Nakilala ang lalaki bilang si Marvien Cascato at sa ilang larawan na ibinahagi niya sa kaniyang Facebook account ay makikita ang perang naka-ipit pa sa bulsa ng kaniyang pantalon. Nagkakahalaga ito ng 550 pesos at ito ang naisip niyang paraan para ma-sorpresa ang kaniyang asawa sa paglalaba nito.




"Pls lang’ tayong mga husband kunting pag unawa naman sa asawa natin hindi biro ang maglaba kaya dapat ma isip nyo naman na tirhan nyo man lang nang kahit kunting pera sa bulsa nyo para naman sa bawat paglaba nila ay ma surprice at makabili nang pang snack’ isipin nyo na sa bawat perang binilin nyo sa bulsa ay nakapag papasaya kayo.


#MAHALINANGASAWA #WAGGAWINGLABANDERA," mensahe ni Marvien para sa kapwa kalalakihan na naghahanap-buhay.





Talaga namang hindi matatawaran ang ginagawang trabaho ng mga ina na naiiwan sa loob ng bahay dahil maliban sa mga gawain na kailangan nilang matapos sa isang araw ay nariyan ang kanilang pagmamahal at pag-aaruga sa bawat miyembro ng kaniyang pamilya. Kaya naman, marapat lang na maipadama natin sa kanila na pinapahalagahan natin ang lahat ng kanilang sakripisyo para sa atin.

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse