Kinansela ni Nanay ang Kaniyang 75th Birthday Party at Ibinahagi na Lamang ang Pera Pambili ng Donasyon sa mga Evacuees





Habang tumatagal ang panahon parami na ng parami ang mga taong nag kakasakit at paiksi ng paiksi ang buhay ng isang tao. Kaya ganun na lamang ang kaligayahan ng isang ginang at ng kanyang pamilya ng makakapag celebrate pa sila ng ika 75 years ng kanyang buhay. 

Ang Ginang na ito ay kilala sa pangalang Nanay Belen. Sa kanyang edad ay masigasig at malakas pa ito.


Naisip ng kaniyang kapamilya na paghandaan ito ng isang engrandeng 75th Birthday Celebration kung saan nakaplano na ang lahat simula sa mga dekorasyon, venue, mga pagkain, handa at mga souveniers. Ultimong pati mga bisita ay naimbitahan na sa kaniyang darating na okasyon.

Subalit naisip nito na kanselahin na lamang ang kaniyang celebrasyon at ibigay na lamang ito sa mga nasalanta sa pagalburoto ng bulkang taal. 



Agad agad na bumili ang ginang ng mga bigas, canned goods, tubig, noodles, tinapay, kape, damit at ibat ibang maari pang magamit ng mga evacuees. 



Imbes na sa handaan ng kanyang 75th birthday party ang pinag kaka abalahan ng ginang, mas naging abala ito sa pag eempake at pag babalot ng mga relief goods upang maipadala na ito agad sa mga evacuation centers. 

Ang pera na nakatabi para sana sa kaniyang birthday celebration ay ginamit na lamang nila upang makabili ng mga kailangan ng mga evacuees katulad ng mga bigas, noodles, biscuit at mga bottled water.



Nakakaantig ng puso ang ginawa ni Nanay Belen isipin ang iba kaysa sa kaniyang sariling kaligayahan upang makatulong sa mga mas nangangailangan.

Kasama rin ang kaniyang mga apo, anak at pamangkin sa pagbabalot ng mga canned goods at isinakay ito sa isang sasakyan kung saan napuno ng kanilang ipamimigay na relief goods.


Kahit na hindi tuloy ang party ni Nanay Belen, makikita naman na nag-enjoy rin ang kaniyang pamilya sa pagbabalot at pagtulong sa mga nasalanta sa Taal.



Nakakatuwa ka Nanay Belen, saludo kami sayo! Happiest Birthday at sana ay marami ka pang blessings na matatanggap sa iyong buhay!

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa