Kwelang Pormahan sa Evacuation Center sa Batangas Mula sa Mga Donasyong Damit, Kinaaliwan Online!




Hindi pa rin talaga nawawala ang pagiging mapagbiro ng mga pinoy. Dahil imbes na maging malungkot matapos ang maapektuhan ng pagsabog ng bulkan Taal ay naging daan pa ito upang paghugutan ng biro o kasiyahan sa buhay. Viral sa social media ngayon ang iba’t ibang pormahan ng mga BatangueƱong biktima ng bulkan Taal. Maraming natatanggap na tulong ang mga biktima ngayon at lahat ng kanilang pangangailangan ay agad namang natutugunan sa tulong rin ng mga kapwa kababayan nating Pinoy.

Kaya upang pagaanin ang mood ng lahat, nakaisip naman ng kwelang ideya ang mga evacuees. Kung saan ibinida ng ilang kabataan at kahit may edad na ang mga donasyong damit na kanilang natanggap. May nagsuot ng bathrobe na tila kagagaling lang maligo, may nag-ala security guard rin. Mayroon ring pormahang pang-prom lang at may nag-ala PSG.





May isang nanay rin na nakasuot pa ng pang-girls scout uniform at tatay na nagsuot ng school uniform. Nag-viral ang mga larawan na ibinahagi ni Mary Margaret Huertas. Kung saan umani ito ng 25,000 share at 18,000 reactions sa loob lamang ng tatlong oras. Sa kabila kasi ng mga pagsubok, likas talagang masayahin ang mga pinoy. Patunay na sa anumang hirap ng buhay ay hindi pa rin nawawalan ng pag-asa.

Aliw na aliw ang mga netizens dahil sa nakakatuwang pormahan. Hindi alintana sa kanilang mga mukha na may pinagdadaanan sila. Bagkus, masaya pa silang nakaharap at ipinagmamalaki ang tulong na kanilang natanggap mula sa mga kapwa Pilipino. Talaga naman sa oras ng mga ganitong pangyayari ay tulong tulong ang mga kagaya nating Pilipino.

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa