Kwento ng Isang Netizen ang Isang Aeta na Nagbebenta ng Bamboo Alkansya Subalit Walang Pumapansin Dito at Walang Bumibili




Sa tuwing sasapit ang buwan ng Disyembre ay naalala ng karamihan sa atin ang pagtungkol sa pagbibigay sa ating kapwa at pagbabahagi ng kung anong meron tayo. Nakakatuwa ang bagay na ito dahil nasasanay ang sarili natin pagdating sa ganitong uri ng magandang pag-uugali ngunit sa kabilang banda ay nakakalungkot din dahil wala namang dapat na pinipiling okasyon o selebrasyon ang pagbibigay natin sa mga nangangailangan.

Sa kabutihang palad ay mayroon pa rin tayong mga kababayan na handang tumulong sa kapwa sa kahit ano mang pagkakataon. Isa na nga dito ang concerned netizen na kamakailan lang ay naging viral sa social media.

Nakilala siya bilang si Faith Ha at ibinahagi niya kung papaano makakatulong sa kapwa kahit sa napakasimpleng paraan.



Namimili siya noon sa Divisoria nang makita niya ang isang katutubong Aeta na nakatayo sa gilid ng kalsada malapit sa Divisoria Mall habang nagbebenta ng mga kawayang alkansiya na nakapatong sa isang basket. Hindi ito ganoon kagaling sa pagsasalita ng wikang Tagalog kaya naman hindi siya napapansin ng karamihan sa mga namimili. Ngunit sa kabila nito ay ginagawa niya pa rin ang lahat ng kaniyang makakaya para makapagbenta at mayroong maiuwing pera para sa kaniyang pamilya.





"...please people pag nakita nyo sya bilhan nyo po sya wala namang masama tumulong eh. masakit makakita ng taong tulad nya 💔 he hardly speak tagalog but he tried his best to sell the bamboo coin bank pero wala talagang pumapansin sa kanya", paghihikayat na mensahe ni Faith.






Nang makita nga niya ang nasabing lalaki ay nilapitan niya ito at bumili ng kaniyang panindang alkansiya na nagkakahalaga ng 120 pesos. Binibigyan siya nito ng discount at inalok nalang ng 100 ang isa at dahil siya ang kauna-unahang customer na bumili at binibigyan pa siya ng isang libreng alkansiya. Ngunit sa halip na pumayag ay nag-abot si Faith ng 200 at hindi na kinuha pa ang kaniyang sukli at ang libreng alkansiya. Kaya naman, abot-langit ang pasasalamat sa kaniya ng lalaki at hindi halos mawala sa labi nito ang ngiti na dulot ng kasiyahang may isang tao na nakapansin sa kaniya.



"..when you work really hard and you help others, God helps you get what you want. You will find the smiles of those whom you’ve helped. Their gratefulness and prayers of blessings are worth more than a million gems. You will realize that helpings others is the most amazing feeling in the world. ❤️," isang napakagandang mensahe na iniwan ni Faith sa kaniyang kapwa netizens na nakabasa ng kaniyang viral post.

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa