Lalaki, Pinagawan ng Malaking Bahay at Ipinasyal Abroad ang mga Magulang na Umampon sa Kaniya




Bilang ganti sa pagmamahal at kabaitan na kanyang natanggap mula sa mag-asawang kumupkop sa kanya, pinagawan ng malaking bahay at ipinasyal pa sa ibang bansa ni Jayvee Lazaro Badile II ang kanyang mga nakagisnang magulang. Abot langit ang pasasalamat ni Jayvee sa kanyang mga magulang dahil kahit hikahos sila sa buhay at hindi siya tunay na anak ay hindi ito nagkulang ng pagmamahal sa kanya.

Ngayong matagumpay na siya, ay isang bonggang regalo naman ang ibinigay niya sa kanyang mga magulang. Kwento niya, dati umanong tindera at porter naman ang kanyang mga magulang. Ngayon na nakaahon na sila sa hirap ay sisiguraduhin niyang makakamit ng kanyang mga magulang ang dati ay sa panaginip lamang. Napahanga ang mga netizens matapos ibahagi ni Jayvee ang larawan ng kanilang bahay na ipinatayo para sa mga magulang.





Sa post ni Jayvee, ipinakita niya ang kanilang nakaraang throwback photo at sa kasalukuyan. Makikita na malaki na ang pinagbago nila. Noon na hirap pa sa buhay at ngayon na marangya na ang buhay. Ibinahagi rin niya na ipinasyal niya sa Sydney, Australia ang mga magulang. Mula noon hanggang ngayon ay kita pa rin ang tuwa sa kanilang mga mukha. Samantala, ipinakita rin ni Jayvee na nasa bagong bahay na sila nag-pasko. Na mas lalong ikinamangha ng mga netizens. 

Mula 2012 na sa barong-barong pa nilang tahanan, nitong 2019 ay nasa mala-mansion na sila nakatira. Samantala, may mini clip video rin siya kung saan isinalaysay niya ang kanilang kwento. Aniya, matagal na siyang namulat sa kahirapan. Noon, nangungupa pa sila ng bahay sa may Bocaue, Bulacan. Bumuhos ang pamuri kay Jayvee dahil sa kanyang pagsusumikap ay guminhawa ang kanilang buhay. Hindi rin siya nakalimot na suklian ang kabutihan ng mga taong kumupkop sa kanya.

Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class

Pinoy Celebrity stars in their 30's: How They Looked 10 Years Ago

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!