Level-up na Evacuation Center sa Cavite na may Double Deck, Nag-viral sa Social Media!




Mas lalong magiging komportable habang nagpapahinga ang mga evacuees ng bulkan Taal dahil naka-double deck na ang kanilang mga kama. Dinagsa ng positibong komento ang larawang ibinahagi ni Joshua Capul matapos niyang ipasilip ang double deck na mga kama sa Noveleta, Cavite Evacuation Center. Napuno ng mga double deck ang gymnasium ng Noveleta para sa mga evacuees.

Hindi lamang si Joshua ang pumuri maging ang mga netizen ay pinuri ang pamahalaan ng Cavite dahil binibigyan rin nila ng mahala ang mga evacuees. Ayon kay Joshua, level up ito dahil sa pangangailangan ng mga evacuees kaya naman naisipan ng bayan ng Noveleta itong pakulo na ito na pinamunuan ng kanilang Maypr na si Dono Chua. 





Naging tila sosyal ang evacuation center dahil mala-hotel ang datingin nito dahil magiging kumportable ang mga pamilya na lumikas mula sa Batangas. Tuwang-tuwa naman ang ang publiko dahil maraming donasyon ang natatanggap ang mga apektado ng bulkan. Nagbabayanihan ang lahat para makatulong sa mga kababayan na nangangailangan ng tulong.

Nawa’y hindi lamang dito nagtatapos ang pagtulong natin sa ating mga kababayan kundi sa mga sumusunod pa kung sakaling may ganitong pangyayari man ang maulit mula sa ating bansa. Noong nakaraang January 12 kasi ay pumut0k ang bulkang Taal na matatagpuan sa Batangas. Dahil dito ay maraming mga bayan na nakapalibot sa lawa ang naapektuhan ng pagbuga nito ng abo. 

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!