Limang Epekto na Nangyayari sa Katawan sa Madalas na Hindi Pagkain ng Almusal




Alam na ng lahat na ang almusal ay ang pinakamahalagang pagkain sa buong araw. Ang enerhiyang makukuha natin sa pagkain ng almusal ay ang gagamitin natin upang magawa ang lahat ng kailangan nating gawin sa araw-araw. Ngunit kung minsan ay dahil sa sobrang kaabalahan ng karamihan ay madalas na hindi na natin nagagawa pang kumain sa umaga.
 

Palagay ng iba ay hindi naman gaanong makakaapekto sa kanila ang pagliban ng almusal ngunit ito ay mali at sa katunayan ay may masamang epekto talaga ito sa katawan. 



Maniwala man kayo o hindi ay ito ang mga masamang epekto ng hindi pagkain ng almusal tuwing umaga:

1. Pagkakaroon ng mga karamdaman sa puso


• Ayon sa mga pag-aaral ay mas mataas ng 27 porsiyento ang posibilidad na makaranas ng pag-atake sa puso ang mga taong hindi kumakain ng almusal araw-araw. Maaaring magka-altapresyon ang mga ito at magsanhi ng pagkakabara ng mga malalaking ugat sa puso kaya para maiwasan ang mga s(a)kit sa puso ay dapat ugaliing kumain ng masustansyang pagkain tuwing umaga.

2. Nakakadagdag ng timbang




• Ang pagliban sa almusal ay hindi nakakabawas ng timbang kundi mas nakakadagdag pa dahil ang taong hindi kumain sa umaga ay paniguradong mas mapapakain ng marami kalaunan. Mababawasan ang mga “cravings” natin kung sa umaga pa lang ay busog na tayo.

3. Nakakabagal ng metabolismo

• Ang pagkabagal ng metabolismo ay pwedeng magsanhi ng paghihirap sa pagdumi at dahil ang katawan ay maghahanap ng enerhiya na dapat ay makukuha natin sa pagkain, gagamitin nito ang glucose sa muscles para makagawa ng enerhiya kaya posible ang makaramdam ng panghihina.

4. Nakakalagas ng buhok


• Mahirap man paniwalaan ay may epekto rin ang pagliban ng almusal sa ating buhok. Sa bawat umaga na hindi tayo kumakain ay nababawasan rin ang kalidad ng ating buhok, na kalaunan ay pwedeng mauwi sa lubhang pagnipis nito at pagkalagas. Para maiwasang mangyari ito ay dapat kumain ng mga pagkaing mayaman sa protina gaya ng itlog, cottage cheese at mga madadahong gulay tuwing umaga.

5. Nakakadagdag stress


• Ang lebel ng stress hormones na tinatawag na cortisol ay pinakamataas sa umaga at ang pagkain ng almusal ay nakakapagpabalik ng lebel nito sa normal. Ang pagliban sa pagkain ay maaaring magsanhi ng pag-atake ng anxiety ng isang tao.

Comments

Popular posts from this blog

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!