Liza Soberano, Sinalubong Ang Kapaskuhan at New Year Sa Bagong Bahay Nito Sa Amerika!




Malamig ang simoy ng hangin sa tuwing sasapit ang araw ng Kapaskuhan ngunit ito ay napapalitan ng mainit na yakap mula sa ating mga mahal sa buhay. Kaya naman, wala ng mas sasaya pa na ipagdiwang ang espesyal na araw na ito kasama ang mga taong malalapit sa atin kagaya na lamang ng ating pamilya at mga kaibigan. Ganito nga ang nararanasang pasko ng karamihan sa ating mga kababayan at maging ang mga celebrities kagaya ni Liza Soberano ay pinili ring makasama ang pamilya sa pagsalubong ng pasko.

Ang isa pang nakakatuwang balita na ibinahagi ng aktres ay ang pagkakaroon niya mismo ng sariling bahay sa Amerika!





Bago nga magtapos ang taong 2019 ay nakamit na rin ni Liza ang inaasam-asam niyang pangarap na bahay sa Estados Unidos at doon nila mismo sinalubong ang Christmas kasama ang kaniyang pamilya at kasintahang si Enrique Gil.





Sa Instagram account ng aktres ay ibinahagi niya ang ilang larawan na nagpapakita ng loob ng kaniyang bahay na mas lalo pang pinaganda ng itinayo nilang Christmas tree. Kapansin-pansin rin ang kakaibang palamuti nito kagaya na lamang ng Christmas balls na mayroong nakasulat na "Our first Christmas in our new home 2019".



"First Christmas in our new home. Finally got a place to call my own back in the U.S. Couldn't have done it without ABS-CBN and all the brands that have given me their trust", caption ni Liza sa mga ibinahagi niyang larawan.




Hindi rin niya nakalimutang magpasalamat sa mga taong sumusuporta sa lahat ng kaniyang ginagawa kagaya na lamang ng LizQueen fans at Liza supporters. Lubos rin ang kaniyang pagpapasalamat sa Maykapal dahil sa mga biyayang natatamo niya hindi lamang sa kaniyang trabaho kundi pati na rin sa kabuuan ng kaniyang buhay.

"To LizQueen and Liza supporters out there. Thank you for the unconditional love. Last but not the least, thank you papa God. You have provided a home for me and the people most dearest to my heart. I will forever give you thanks and praise", dagdag pa ng aktres.



Talaga namang masaya ang pasko ngayon ni Liza dahil maliban sa pagkakaroon ng sariling bahay sa Amerika ay nakasama niya pa ang kaniyang pamilya at kasintahan sa pagdiriwang ng espesyal na araw na ito.

Comments

Popular posts from this blog

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya