Lola Na Nagbebenta ng Unan at Plastic Bottles Upang May Makain, Nag-Viral Online




Isang lola ang umantig sa puso ng mga netizens matapos matunghayan ang kanyang kwento. Napaluha ang karamihan sa mga netizens nang ibahagi ni Khaye P Caster ang kalagayan ng isang lola na kanilang nadaanan sa may Bauang, La Union. Kwento ni Khaye, nilalakbay nila ang daan ng mapansin nila ang isang lola na naglalakad habang umuulan at may daladalang supot. Dahil naawa sila, hinintuan nila at tinanong kung saan nakatira upang maihatid sa kanyang bahay.

Napag-alaman nila na nagbebenta pala ng plastic bottles at unan si lola. Nakita nila na sira-sira na ang unan na dala niya. Ayon naman kay lola, nagbebenta siya kahit umuulan upang may pera siyang pambili ng ulam nila. Nadurog umano ang puso nila ng marinig ang paliwanag ni lola. Kaya naman inalok na nila si lola na ihahatid na nila pauwi. At dahil sa kwento ni lola ay napagpasyahan nilang magkakaibigan na bilhan ng pagkain ang matanda. Dagdag pa niya, nag ambag-ambag rin sila upang makatulong din sila sa sa pamilya ni lola. Ayon kay Khaye, bumili sila sa nadaanang tindahan ng mga delata at tinapay upang ibigay kay lola.





Natunghayan rin nila ang hirap sa daan na tinatahak ni lola patungo sa kanilang bahay. Mahirap umano lalo na kung umuulan dahil maputik at madulas doon. Napag-alaman rin nila na nagbebenta ng kung ano-ano si lola para lang magkapera. Sa mga larawan na ibinahagi ni Khaye, makikitang inihatid nila si lola hanggang sa bahay nito. Doon ay napaluha daw sila matapos makita ang sitwasyon ng pamilya ni lola.

Ayon sa mga magkakaibigan ay nakakaawa ang kalagayan ni lola at kanyang pamilya dahil may kap@ns4nan umano ang anak nito. Nakatira lamang sila sa isang munting bahay kasama rin ang kanyang apo na lalaki. Kaya naman sobrang bilib nila sa matanda dahil sa edad ni lola ay nagsusumikap pa rin ito para lang matuguman ang pangangailangan nila araw-araw. Hinangaan naman ng mga netizens ang pagtulong ng grupo ni Khaye sa matanda. 


Comments

Popular posts from this blog

Matapat Na Airport Security Guard Nagsauli Ng Nalaglag Na Perang Nagkakahalagang P500,000 Sa Isang OFW

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

6 Magandang Benepisyong Makukuha Sa Pagkain Ng Sayote

Batang Scientist Nadiskubre Ang Benepisyo Ng Aratiles Para Sa May Mga Dyabetis

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?