Mabait Na Dayuhang Indian Namigay Ng 500 Pirasong Unan, Kumot At Iba Pang Gamit Sa Mga Taal Evacuees



Hindi hadlang sa isang taong nais makatulong sa kanyang kapwa ang anumang dahilan tulad ng pagiging malayo o di kaya ay ibang lahi. Tiyak na gagawa siya ng paraan para makabigay siya ng taos-pusong tulong sa mga nangangailangan.

Nitong mga nakaraang linggo ay patuloy ang paghingi ng tulong ng ating mga kababayang naapektuhan ng Taal. Marahil maraming netizens na ang nagbibigay ng iba't ibang tulong tulad ng pagkain, pera, damit at iba pang pangangailangan, ngunit hindi pa rin ito sapat. Dahil mayroong pa ring mga lugar na hindi naabutan ng mga relief.

Sa kabilang banda, hinangaan ng mga netizens ang isang mabuting samaritanong Indian national na nag-paabot ng tulong sa mga evacuees. Nakilala siya bilang si Rocky Vasandani na nag-donate ng 500 blankets at 500 magic pillow para sa mga b!ktima ng Taal. 

Sa kanyang caption ay sinabi niya na,

"500 blankets ang 500 magic pillow ready to dispatch for v!ctimes of TAAL (Batangas) Volcano. GOD LOVES EVERYONE FROM VASANDANI FAMILY."

Samantala, sa mga sumunod na araw ay muli itong nagpaabot ng pangalawang batch ng tulong na mayroong 500 blankets, 300 magic pillow, 3000 tsinelas, 5 wheelchair at 5 nebulizer. Na nai-turn over sa COP PNP ng Dagupan City upang muli itong maipamigay sa mga Taal evacuees.

Maraming netizens ang buong pusong nagpapasalamat sa kabutihang loob na ipinamalas ng dayuhan. Binigyan rin si Mr. Rocky noong January 23, 2020 ng PNP Regional Office ng Dagupan City ng certificate of appreciation sa kanyang pagiging matulungin at suporta sa ating mga kababayan.

Sa katunayan, hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nagbigay siya ng tulong sa ating mga kapwa Pilipino. Nagsasagawa rin siya noon at ang kanyang pamilya ng mga community projects upang tulungan ang mga iba nating kababayang nangangailangan ng tulong. 

Narito ang ilang komento ng mga netizens sa kanya.

"Thanks you so much po Sir for your kindness it's really a big help to our kababayan in Batangas. May God bless you more and your entire family."

"You have a good heart Sir Rocky!"

"Great work brother! I salute you."

Source: Facebook

Comments

  1. Sana dumami pa ang lahi nia.sir tularan ka nawa ng iba.

    ReplyDelete

Post a comment

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa