Mabait Na Netizen Nag-alok Ng Libreng Pagkain At Temporary Shelter Sa Mga Hayop Na Naapektuhan Ng Bulkang Taal


Dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal nitong mga nakaraang araw, hindi lamang ang ating mga kababayan ang mga naapektuhan. Ang kanilang mga tahanan, hanapbuhay, at maging ang kanilang mga alagang hayop ay naapektuhan rin.

Maaaring narinig na ninyo sa mga balita ang napakaraming mga hayop na naiwan sa mga lugar na naapektuhan at kalunos-lunos ang sinapit ng mga ito. 

Ngunit buti na lamang at mayroong mga organisasyon at mga tao na handang tumulong rin sa mga hayop na naapektuhan dahil sa pagsab0g ng Bulkang Taal. 

Isang mabuting loob na netizen na nakilala bilang si Edsel Pagcaliwangan Paredes ang nagpost sa kanyang Facebook account na nag-aalok ng libreng temporary shelter sa mga hayop na na-rescue sa Taal at sa iba pang lugar na naapektuhan.

Aniya sa kanyang post,

"Kung may kilala po kayo na nangangailangan ng temporary shelter na mag-aalaga ng kanilang mga pets na apektado ng bulkang taal ay bukas po ang aking kennel para sa libreng boarding at pagkain until such time na maging ok na ang sitwasyon.

No one should be left behind. Let us save our pets."

Inalok rin ng netizen ang kanilang malawak na bakuran para sa iba pang hayop na nangangailangan ng matitirhan. 

"Kung may madadala po kayo cages we can also accommodate a lot," dagdag niya sa isang komento.

Nagbigay naman ng update ang netizen tungkol sa bilang ng mga hayop na pansamantalang kanilang inaalagan ngayon.

"As of Jan 14, 2020 we were able to provide shelter for the following:

Dog:
31- adult
10- puppies

Cat:
14- adult
2- kittens

Goat:
3- adult
4-kids

More to come today."

Hinangaan naman ng mga netizens ang malasakit ni Paredes lalo na sa mga kaawa-awang hayop na nangangailangan rin ng tulong. At mayroon din namang mga netizens na handang sumuporta at tumulong kay Paredes para mabigyan ng tamang pangangalaga ang mga hayop na narescue.

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa