Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class



Para sa maraming kasambahay, swertihan ang makatagpo ng mabait na amo na pagtatrabahuhan kung saan ituturing silang tila kauri lang rin ng mga ito. May mga pagkakataon na ramdam na ramdam nila na sila ay lubhang naiiba sa mga pinagsisilbihan dahil sa pagtrato ng mga ito sa kanila. Ngunit mayroon rin naman na mga pinalad na magsilbi sa mga amo na mabubuti ang kalooban at itinuturing sila na animo’y kapamilya.



Isa sa mga pinalad na kasambahay si Rodalyn Oliveros. Una itong natanggap bilang tagapag-alaga sa bunsong anak ng sikat na host na si Pia Guanio, at kalaunan ay naging over-all na sa kanilang bahay dahil nagustuhan ng mag-asawa ang serbisyo nito. 




Napansin ni Pia ang potensyal nito sa kusina kaya naman pinasok siya nito sa isang teknikal na kurso sa pagluluto upang lalo itong matuto sa paggawa ng pagkain kahit pa international na mga putahe. Hindi nagtagal ay natapos ito sa kurso at nakatanggap ng certificate. Ang mga natutunan niya mula sa kurso ay hindi lamang niya magagamit sa pagsisilbi sa butihing pamilya ngunit pati na rin sa sarili niyang pamilya. Ang mga karagdagan na kaalaman na ito ay madadala niya saan man siya mapadpad.



Maliban sa cooking class na kanyang nakuha ay isinasama rin siya ng amo sa iba’t-ibang bansa tuwing buma-byahe ang mga ito. Sa loob ng dalawang taong paninilbihan sa mga ito ay nakarating na rin siya sa Australia, Taiwan at Hongkong. 


Masasabing ang kanyang kinalalagyan sa piling ng pamilya ni Pia ay di hamak na mas maganda kumpara noon kung saan nagtatrabaho siya bilang domestic helper sa Middle East. 


Ngayon ay maliban pa sa napakabait ng mga ito sa kanya ay hindi pa niya kinakailangang lumayo masyado sa kanyang pamilya para lamang kumita ng pera. Kaya naman ngayon ay mas may oras na rin siya para matingnan ang sarili niyang mga anak at masusubaybayan pa niya ang paglaki ng mga ito.


Todo rin ang naging suporta ni Pia kay Rodalyn sa pagsali nito sa isang segment ng Eat Bulaga nitong nakaraan na tinawag na “Maid in the Philippines”. Hindi ito nagwagi sa naturang paligsahan ngunit isa pa rin ito sa mga maituturing na napakaswerteng kasambahay dahil sa pagkakaroon ng mga amo na nagnanais na mapabuti ang kalagayan nila. 

Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Netizen, Nahabag sa isang lalaking nagtitinda ng lobo na may kasamang anak na nakatulog

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Kasambahay na Pinag-aral ng Kaniyang Amo, Nakapagtapos ng Cum Laude