Matagumpay Na-Imbento ang SEEDLEES LYCHEE ng Isang Australianong Magsasaka Makalipas ang 19-Taong Pag-aaral




Patok na patok sa panlasa ng karamihan sa atin ang prutas ng lychee hindi lamang dahil makatas at matamis ito kundi dahil madali lang din itong kainin. Matapos mo ngang matanggal ang kulay pula at manipis nitong balat ay mai-enjoy mo na kaagad ang kaniyang laman. 


Ngunit ang ilan sa mga magulang natin ay maingat sa pagpapakain nito sa kanilang anak dahil na rin sa buto nito na maaari nilang malunok at magdulot ng hindi kanais-nais na pangyayari.

Sa kabutihang palad, isang magsasaka sa Australia ang nakahanap ng paraan para makapagpatubo ng puno ng lychee na walang buto. Siya ay nakilala bilang si Tibby Dixon at 40 taong gulang na siyang nagtatrabaho bilang magsasaka. 




Sa kagustuhang magtagumpay sa kaniyang hangarin na makagawa ng "seedless lychee" ay lubos niyang pinag-aralan ang proseso ng selective breeding at cross-pollinating flowers. Umabot din ng halos 19-taon ang ginugol niyang panahon para sa proyektong ito at gumastos ng umaabot sa $5,000 o humigi't kumulang sa 250,000 pesos! 


Maliban dito ay kinailangan niya pang mag-angkat ng puno mula sa China dahil dito nagmumula ang mga lychee na may mas maliit na buto. Ginamit niya ito para sa kaniyang eksperimento at itinanim sa bansang Australia. Ang kauna-unahang puno na itinanim ni Dixon ay sa Sarina Beach na matatagpuan sa Far North Queensland. 




Matapos nga ang mahabang panahon ay nagtagumpay rin sa wakas ang kaniyang paghihirap at kamakailan lang ay ibinalita niya na namunga na ang mga puno ng kaniyang "seedless lychee". 


Samantala ang lasa nito ay maikukumpara sa lasa ng pinya na medyo maasim ng kaunti pero masarap at malinamnam. Napakaraming tao nga ang nag-aabang kung kailan ito ilalabas sa pamilihan lalo na at nasasabik silang makakita mismo ng ganitong uri ng lychee. 

Ngunit ayon sa balitang inilabas ni Dixon, hindi na muna sila magbebenta ng "seedless lychee" dahil kailangan muna nilang magtanim ng mga puno at padamihin ang mga prutas upang maging handa sa produksiyon. 


Talaga namang nakakatuwa ang imbensiyon na Dixon at malaking tulong ito upang mas lalo pa nating ma-enjoy ang pagkain ng prutas na lychee.

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan