Matapat Na Tricycle Driver Nagsauli Ng Naghulog Na Wallet Ng Kanyang Pasahero


Sa panahon ngayon, mahirap ng nagtitiwala sa ibang tao lalo na't kung pera ang pinag-uusapan. Maraming mata ang nasisilaw sa pera kaya marami ang nakakagawa ng mali at kasalanan dahil dito.

Ngunit gayunpaman, mayroon pa rin namang mga tao na nananatiling matapat sa kanilang kapwa at hindi basta-basta nagpapasilaw sa pera. Katulad na lamang ng isang tricycle driver na ito na pinuri at hinangaan ng mga netizens dahil sa kanyang pagiging matapat.

Sa Facebook post ng netizen na si Amy Romero ay ibinahagi niya ang istorya ng isang matapat na tricycle driver na nakilala bilang si Cesar Fajardo. 

Kwento niya na naiwan raw ng kanyang tiyahin ang kanyang pitaka sa isang tricycle na hindi na niya matandaan yung driver o kahit yung plaka o body number ng kanyang nasakyan. Kinabukasan lang din ay mayroong tumawag sa kanya at ipinaalam nito ang nalaglag na wallet ng kanyang tiyahin.

"Pero sa awa ng Diyos ngayon, January 9, 2020 5:45am po may tumawag sakin na yung naiwang wallet ng tiya ko ay nasa kanya at isasauli niya po samin."

Nakilala ang mabait na tricycle driver bilang si tatay Cesar Fajardo na taga San Miguel, Catanduanes ngunit nakikipasada sa Virac. 

Pinuri ng netizen ang pagiging huwaran at tapat ng tricycle driver dahil naibalik pa ng buo ang wallet ng kanyang tiyahin na sigurado ay naglalaman rin ng iba pang importanteng mga dokumento at pera.

"Maraming salamat po sir,, more blessing to come. maging huwaran ka po sa lahat at sa kapwa tricycle driver! #ganyan ang mga CATANDUNGAN." 

Hinangaan rin ng iba pang netizens ang kabaitan ni tatay Cesar at sinabi na bibihira na lamang ang mga ganitong tao sa mundo. Narito ang ilang komento ng mga netizens:

"Saludo ako kay tatay."

"Isa kang malaking halimbawa sa mga kapwa mong tricycle driver, good job manong. Pagpalain ka sa ginawa mong kabutihan."

"Ito ang dapat tularan naway bigyan ng parangal."

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa