Maui Taylor, Walang Pangamba na Makita ng Kaniyang mga Anak ang Dating mga seksi Movies




Kilala ang pangalan ni Maui Taylor sa paggawa ng mature na pelikula at mas lalo nga siyang sumikat nang maging miyembro ng Viva Hot Babes noong taong 2003. Sa paglipas ng panahon ay paunti-unti niyang nilisan ang mundo ng show business sa kabila ng kasikatan at binigyan muna ng prioridad ang pagkakaroon ng sarili niyang pamilya.


Sa kasalukuyan ay malalaki na ang dalawa niyang anak na lalaki at kaagad namang naibalik ang magandang hubog ng pangangatawan matapos ang panganganak. Ito ay dahil na rin sa kaniyang pagiging 'breastfeeding mom' at regular na ehersisyo. Dahil dito ay nag-umpisa na siya sa pagtatrabaho bilang artista at paminsan-minsan na ngang napapanood sa mga TV guesting at mayroon ding 'special participation' sa ilang pelikula kagaya ng 'Adan' na ipinalabas sa mga sinehan noong nakaraang buwan ng Nobyembre 2019.



Handa rin siyang bumalik sa pagganap ng s3xy roles sa mga pelikula sa tulong ng kaniyang dating manager sa Viva Entertainment na si Boss Vic. Sa katunayan ay sabik siya makatrabaho muli ang mga kasamahan niya noon sa Viva Hot Babes na ngayon ay pawang mga ina na rin kagaya ni Katya Santos.


"S3xy now, hindi naman katulad noon sa amin. Hindi naman sa nami-miss, but this time nothing too wild like the last time," pagbabahagi ni Maui sa isang panayam sa kaniya.

Samantala, bilang isang ina ay napaghandaan niya na rin ang panahon kung saan makikita ng dalawa niyang anak na lalaki ang dati niyang s3xy roles sa pelikula at alam na niya kung papaano ito ipapaliwanag sa kanila.


"Actually, naisip ko na ’yon. Eventually someone will tell them. Hindi mo naman matatago ’yon. Ang internet world ngayon, iba na. For sure, they will see. But, ako, feeling ko, kaya ko siyang i-handle, i-explain.”




Naniniwala rin si Maui na mauunawaan ng kaniyang mga anak ang naging trabaho noon bilang isang artista lalo na at kilala nila kung ano talaga ang totoong pagkatao ng kanilang ina. 

Sa kabilang banda ay suportado niya ang interes ng mga anak sa pagpasok sa mundo ng show business kagaya niya, ngunit sa ngayon ay mayroon silang limitasyon sa kung ano muna ang pwede nilang gawin.

"Eventually kung gusto talaga nila kasi makikita din naman nila sa mommy ’yon. It’s up to them. I’ll let them decide," dagdag pa ng sexy aktres.

Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class

Pinoy Celebrity stars in their 30's: How They Looked 10 Years Ago

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!