Mga Ashfall na Galing sa Taal Volcano, Ginawang Hollow Blocks ng mga Taga-Biñan Upang Mapakinabangan




Halos ilang linggo na rin ang nakakalipas nang biglang pumutok ang bulkang Taal sa Tagaytay, Batangas at magbuga ng makapal na usok na may kasabay na mga abo. Marami nga sa ating kababayan ang naapektuhan ng pangyayaring ito at kinailangang lumikas kaagad sa lugar dahil sa hindi magandang dulot ng usok at abo sa kanilang kalusugan. Maging ang karatig lungsod ng Batangas kagaya ng Cavite at ilang parte ng Metro Manila ay nakaranas din ng "ash fall" kaya naman pinayuhan ang publiko na magsuot ng face mask kapag lalabas ng bahay.


Ang makakapal na abo ay namuo na sa bubong ng mga bahay at kalsada dahil nabasa ito ng ulan. Ayon nga sa pag-aaral, mabilis itong tumitigas kapag nabasa ng tubig at di kalaunan ay nagiging konkreto na parang kagaya ng semento. Kaya naman, lubos na iniiwasan ng mga kawani ng gobyerno na huwag itong pumasok sa mga kanal dahil maaring makabara ito at magdulot pa ng hindi kanais-nais na resulta. 

"Kaya kailangan nating isako ang mga ito at hindi makabara sa ating mga canal,” pahayag ng Biñan City Mayor na si Arman Dimaguila.




Sa kabutihang palad ay mayroong naisip na paraan ang Mayor ng Biñan, Laguna para maging kapakipakinabang ang napakaraming abo na nakolekta nila sa kanilang distrito. Dati na silang gumagawa ng mga "bricks" mula sa recycled materials at ngayon ay nais nilang idagdag sa kanilang proseso ang mga abo mula sa bulkan.


Ayon sa mga gumagawa ng bricks, ang bawat isa sa mga ito ay binubuo ng 40 porsiyentong ashfall, 30 porsiyentong recycled na basura, 20 porsiyentong buhangin, at 10 porsiyentong semento. Sa dami nga ng mga abo ay umaabot sa halos 7,000 bricks kada araw ang nagagawa ng Biñan sa kanilang material recovery facility. Maya't maya kasi ay mayroong silang nakokolektang mga abo kaya naman hindi rin tumitigil ang kanilang paggawa.

"Pag walis mo, maya-maya mayroon na naman," ani Landero, isa sa mga gumagawa ng bricks.




Maliban sa mga bricks ay pwede ring makagawa ng hollow blocks at paso ng mga bulaklak mula sa mga abo na ito. 


Samantala, ang mga bricks na nagagawa mula sa Biñan, Laguna ay nais nilang i-donate sa mga kababayan natin na nasira ang mga tahanan dahil sa hindi inaasahang insidente upang magamit nila ang mga ito pampatayo ng kanilang tahanan.


Nakakatuwang makita na sa kabila ng trahedya na nangyari sa ating bansa ay nanatili pa rin tayong matatag at patuloy na lumalaban sa buhay sa tulong na rin ng ating mga kababayan na mayroong busilak na puso.

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa