Naantig Ang Puso Ng Mga Netizens Sa Isang Lolo Na Binibilhan Ng Damit Sa Ukay Ang Kanyang Misis


Sa pagbibigay at pagtanggap ng regalo o surpresa, 'It's the thought that counts,' ika nga. Hindi importante kung mura o mahal ang binibigay sayo dahil ang mas mahalaga ay naalala ka ng taong iyon. 

Nakakainspire at nakakatuwa ring makita ang mga mag-asawa na kahit hanggang sa pagtanda ay sweet pa rin sa isa't isa. Katulad na lamang ng isang lolong ito na nakitang bumibili ng damit hindi para sa kanyang kundi para ibigay bilang surpresa sa kanyang misis. 

Sa Facebook post ng netizen na si Janina Ulanday ay ibinahagi niya ang kwento ng isang matandang lalaki na nakita niyang bumibili ng damit na talagang nag-paantig sa kanyang puso. 

Ayon sa kanyang post ay mayroong isang matandang lalaki na pumasok sa isang tindahan at pumukaw sa kanyang pansin. Habang pinagmamasdan niya ito ay tila kanina pa raw ito namimili ng mga damit. Noong una ay akala ng netizen na para sa matanda lamang ang kanyang pinipili ngunit napansin nito na puro pambabae ang kanyang tinitignan.



Makalipas ang ilang sandali ay nilapitan ng netizen ang matanda upang tulungang maghanap.

Netizen: Para po kanino tay?
Matanda: Para sa babae.
Netizen: Pang regalo po ba? 
(Tumingin habang tinataas ang hanger)
Matanda: Para sa misis ko. Maganda ba?
(Napangiti ang netizen)
Netizen: Opo tay, maganda.
Matanda: Sa tingin mo magugustuhan ng babae to?
Netizen: Opo naman tay!
Matanda: (Tumawa sabay sabi...) Hindi pala sayang yung tagal kong naghanap. Para kay misis to. Para may pang-alis siya. Salamat ha?

Pagkatapos noon ay akala ng netizen na aalis na ang matanda ngunit pumunta pa siya sa skirt section upang tumingin pa ng pang-ibaba na ipapares sa blouse na kanyang napili.

Sa puntong ito ay naantig ang puso ng netizen dahil kahit na matanda na si tatay, naglalakad ng mabagal at hindi na makatayo ng tuwid ay kinaya pa rin niyang pumunta sa isang tindahan para ibili ng regalo ang kanyang asawa.


Dagdag ng netizen sa kanyang post,

"Totoo ngang panahon lang ang lilipas, madadagdagan ang edad, kukulubot ang balat pero ang pusong nagmamahal ng tunay hindi makakalimo, hindi tatanda, makakaalala kahit ang mata hindi na makakilala. 

SANA ALL."

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Nakatuklas Ang Lalaking Ito Ng Higit 2Milyong Dolyar Na Ancient Treasure Na Mula Pa Sa Mga Ancient Vikings

Sari-Sari Ang Naging Komento Tungkol Sa Larawang Ito Dahil Sa Pagkakasalansan Ng Mga Hollowblocks Sa Isang Bahay

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa