Nadurog ang Puso ng Netizen sa Isang Lola na Ito na Sinasaktan ng Kaniyang Apo! Kaya Naman, Halos Pakyawin Niya ang Paninda ng Lola Upang Makatulong




Kilala na ang mga Pilipino bilang masisipag sa trabaho, ito man ay sa opisina o sa bahay. Ang katangiang ito kasabay ng pagiging matiyaga ang ilan sa mga dahilan kung bakit in-demand ang mga manggagawang Pinoy maski na sa ibang bansa. Ilang beses nang napatunayan na tayo ay maaasahan at marunong dumiskarte kahit saan man tayo ilagay. 

Ang kasipagan ay wala ring pinipiling edad, marami sa atin ang ni ayaw mag-retiro agad kahit umabot na sila sa 60 anyos dahil mas lalo raw nilang mararamdaman na sila ay matanda na kapag tumigil sila sa pagta-trabaho. Ngunit hindi pabor ang ganitong sitwasyon sa lahat ng ating mga nakatatandang kababayan, may ilan sa kanila ang nararapat na nasa bahay na lamang at nagpapahinga ngunit kailangan pa ring kumayod para kumita ng pera.

Ganito mismo ang nasaksihan ng isang netizen na nagngangalang Mailin Buenconsejo Tiong. 




Sa isang facebook post nito na nag-trending, ibinahagi niya ang tungkol sa isang matanda na nakikita niyang naglalako palagi ng mga basahan o doormat sa kanilang lugar. 

Madalas niyang mabilhan ang matanda at dahil na rin sa pagkahabag niya rito ay nagdesisyon pa itong minsan na pakyawin ang kalahati ng itinitinda nito upang kahit papaano ay may kitain ito at mabawasan man lang ang bigat ng bitbit nito.




Minsan na rin itong napakwento sa kanya na nabubugbog raw ito minsan ng kanyang apo, bagay na mas lalong nagpaantig sa damdamin ni Mailin. Napansin niya na may bali ang braso ng matanda at ayon rito ay may tahi rin daw ito sa may likuran.

Ang mga netizens na nakabasa at nakakita sa mga litrato sa nasabing post ni Mailin ay naawa sa kalagayan ng matanda. Marami sa kanila ang nais ring makatulong rito sa anumang paraan at umaasa na sana ang sitwasyon nito ay mas bumuti lalo pa sa edad nito ay dapat inaalagaan ito at hindi sinasaktan. 


Pinuri rin ng mga tao ang kagandahang asal na ipinakita ni Mailin at sa pagmamalasakit nito dahil tiyak na malaking bagay na para sa matanda ang munting naitulong nito rito. Ang post na iyon ay nawa’y magbigay daan upang mabigyang pansin ang matanda at matulungan itong mas mapabuti.

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa