Nagkaroon ng Libreng Catering at Clowns Para sa mga Bata ang Isang Evacuation Center sa Batangas sa Tulong ng mga NagDonate





Pagkatapos ng pag-alboroto ng Bulkang Taal ay siya namang pagdagsa ng iba’t ibang donasyon ng ating mga kababayan para sa mga evacuees na inilipat sa iba’t ibang eskwelahan para sa kanilang safety measures.

Libo-libong donasyon ang dumating sa mga evacuees na nanggaling sa iba’t ibang parte ng Pilipinas. Dagsaan ang mga goods at cash pati na rin ang mga medikal na tulong para sa mga evacuees.

Samantala, ang isang bayan sa Mabini ay nagpulong-pulong upang magbigay ng donasyon. Subalit hindi lamang pagkain ang hatid nila kundi naisipan din nilang magbigay saya sa mga tao sa kanilang naisip na paraan.




Katuwa-tuwa na tila bang may isang malaking Fiesta na naganap sa isang evacuation center ng Mabini dahil mayroong nagpa-catering ng pagkain, nagrent ng Clown para sa mga bata, nagrent ng ice cream vendor at nagpa-Jollibee para sakanila.




Bukod rito, maraming tao ang nagbigay ng kanilang mga lumang damit upang may magamit ang mga evacuees dahil ng sila ay dalhin sa center na ito ay hindi na nakapag empake pa ang mga ito. 



Ayon sakanila, ito ay katuwaan lamang dahil masyado ng mabigat ang environment doon kung saan ang mga bata ay hindi na nakakapag enjoy sa kanilang buhay simula ng sila ay ma-evacuate.


Tila ba parang may nag-Birthday sa gym na ito dahil sa handaan na ginanap at sa mga palaro para sa mga bata na kanilang ikinatuwa.



Maraming netizens ang natuwa sa ginawa nilang pagpapasaya dahil kahit papaano ay nakalimutan nila ang kanilang problema at nabalot ng kasiyahan ang kanilang damdamin.

Sa ngayon ay hindi pa alam ng mga opisyal kung kailan makakabalik ang mga evacuees sa kanilang mga tahanan dahil nasa Alert level 4 pa rin ang Bulkang Taal na kung saan posible raw itong pumutok ano mang oras o araw. Kaya naman pansamantala munang titira ang mga ito sa mga evacuation centers at patuloy pa rin ang pagtanggap ng mga donasyon para sa mga ito.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa