Nakapundar na ng Sasakyan, Paupahan at Shop ang Netizen na Ito sa Pagbenta Lamang ng Ice Drop na Gawa Niya Mismo




Maraming mga tao ang talagang gustong umasenso sa kanilang buhay. Gustong maka travel around the world, mag karoon ng sasakyan, ng magandang bahay at higit sa lahat mabigyan ng magandang kinabukasan ang sariling pamilya.

Kaya isang Netizen na nagngangalang Emmanuel Jagmis ay ibinahagi sa kanyang Facebook account kung papano siya naka ahon sa buhay sa pamamagitan lang ng pag bebenta ng kanyang Homemade ICE POP! 



Ibinahagi niya ito sa mga netizens dahil nagbabakasakali siya na makapagbigay ng inspirasyon sa mga taong gustong maiahon ang kanilang pamilya sa kahirapan.



“Share ko lang ang istorya ng aking homemade icedrop na mahigit tatlong dekada nang mabili sa mga bata dito sa lugar ko. Maswerte ako dahil tapat ako ng elementary school, napakalaki ng naitulong nito sa ekonomiya ko.” - Emmanuel-'



Sa pag bebenta lamang ng ice pop nakapag patayo si Emmanuel ng kanyang sariling paupahan, computer shop, tindahan at naibili na din niya ng isang brand new car ang kanyang mga magulang.


Sobrang proud ito sa kanyang sarili dahil sa mga na achieve nito sa kanyang buhay. Ayon nga sakanya, ang pag asenso daw sa buhay ay hindi nakabase sa laki ng sahod na matatanggap ng isang tao, kung hindi ito raw ay nakabase rin sa iyong sikap at tiyaga sa pag-iipon at sa pagiging matipid.



Halos tatlong dekada nang gumagawa ng Homemade Ice pop ang netizen at ibinebenta niya ito sa may kalapit na eskwelahan sa kanilang lugar. Tunay ngang isang napakalaking biyaya ng Diyos maituturing ni Emmanuel ang pagkakaroon ng opportunity na kagaya ng ganito. Sa kadahilanan ng kanyang pag sisikap, pag titiyaga at pag titiis nakapag pundar siya ng ibat ibang business at natulungan niya ang kanyang mga magulang na mabigyan ng magandang kinabukasan.




Hindi ikinahihiya ni Emmanuel kung ano ang kanyang pinanggalingan. Kaya maraming netizens ang namangha sa kaniyang diskarte. Kaya kaliwat kanan ang tanong ng mga netizens kung maaari daw ba nitong ibahagi ang kaniyang secret recipe at nagbabakasakali din sila na maiahon nila ang kanilang mga pamilya sa pamamagitan lamang ng pag bebenta ng homedade Ice pop.

Bastat may sipag, tiyaga at pananalig sa Diyos na hindi ka nito pababayaan, ikaw ay makaka ahon sa kahirapan.

Comments

  1. mam sir paanopoba ginagawa ang ice drop mam sir pwedi po ba malaman at gostokorin gwin tulad ng ginawa nyo para sa mahal ko sa bohay..salamat po good bless

    ReplyDelete

Post a comment

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa