Nanay, Nagtahi Ng Mga Face Masks Upang Magbigay Tulong Sa Mga Taong Naapektuhan Ng Taal



Napakasarap sa pakiramdam na malaman na sa mga panahon ng sakuna ay mayroong mga taong kahit sa kanilang munting paraan ay taos-puso pa ring handang tumulong sa mga nangangailangan. 

Dahil sa Taal volcano eruption, maraming bayan na kalapit sa Taal ang naapektuhan. At marami sa ating mga kababayan ang nangangailangan ng tulong at donasyon. Isa na sa mga in-demand na kailangan ng mga tao doon ngayon ay ang N95 face masks na agad namang nagka-ubusan sa mga botika.

Mayroong mga napapabalitang ilang negosyante na nananamantala sa pamamagitan ng pagtataas ng presyo ng mga nasabing face masks at mayroong pumapalo na P200-P400 na ang kada piraso. 

Isang netizen ang nagbahagi at ipinagmalaki ang kanyang nanay na gustong tumulong kahit sa kanyang mumunting paraan. Sa post na ibinahagi ni Mary Ann Mantuano, ang kanyang ina ay hindi alam kung paano tutulong sa mga naapektuhan ng Bulkang Taal.

Dahil ang trabaho ng kanyang ina ay isang mananahi, naisipan niyang manahi ng mga reusable face masks upang ipamigay ng libre sa mga taong nangangailangan. 

"Ung mother mo na di alam kung pano tutulong....
Ayan po dahil mananahi ang trabaho nia naicip niang manahi ng facemask pra sa mga taong nangangailangan.
Kahit sa anong paraan makakatulong bsta gugustuhin mo lng..."

Proud na proud ang kanyang anak dahil sa kabutihang loob at malasakit ng kanyang ina. Hindi ibig sabihin na dahil hindi sapat ang iyong perang pinansyal ay hindi ka na tutulong sa iyong kapwa. Kung talagang gusto mong tumulong, ay gagawa at gagawa ka ng paraan. 

Ang mahalaga ay kahit sa iyong munting paraan ay nakatulong ka dahil para sa mga taong iyong tutulungan ay malaking bagay na ito para sa kanila. 

Maraming netizens naman ang humanga at pinuri ang ginawa ni Nanay at nawa'y magsilbi siyang inspirasyon sa ibang tao upang tumulong din sa kanilang kapwa.

"Tunay at totoo kang Ina Nanay God bless you po."

"Malaki pong tulong iyan."

"God bless you mother. Ang katulad nyo po ang dapat tularan yung iba sinasamantala pa nila ang sitwasyon."

"Ang buti po ng puso niyo."

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!