Natuyot na ang Lawa sa Loob ng Main Crater ng Bulkang Taal Dahil sa Sobrang Init Nito




Maraming mga taong nangangailan ng tulong dahil sa pag-aalburuto ng bulkang taal. Kaliwa't kanan ang mga nagsisilabasang mga balita tungkol dito. At dahil rito ay nagkakaisa ngayon ang mga Pinoy na matulungan ang mga kapwang batangueno at mga taga cavite na nakaranas ng pagalburoto ng bulkan.


Ngayong January 15, 2020 inanunsyo ng PHIVOLCS na ang lawa sa loob ng main crater ng bulkan ay natuyot na dahil umano sa sobrang taas ng temperatura nito. 

Bakit nga ba ito nangyari?

Ayon sa satellite, dahil sa sobrang init ng bulkan ay nag-vaporize na ang tubig sa lawa. Kaya naman nagresulta rin ito ng pagbitak bitak sa mga daan malapit sa buklan.




Ayon pa sa kanila ang ilang bahagi ng ilog Pansipit na siyang nagsisilbing drainage outlet sa lawa ay natuyot na dahil na rin ito sa pagtaas o pag-alsa ng ilang lugar sa Taal dahil sa magkakasunod-sunod na pagyanig o paglindol nitong mga nakalipas na araw.

"Nagkaroon siguro ng pag-alsa o pag-uplfit nung Taal region. Posible din na 'yung mga bitak sa Lemery, ito ay dire-diretso hanggang Talisay."




Malaking posibilidad rin na mayroong nangyayaring under water fissure na kung saan ang mga bitak bitak na lupa ang siyang sumisipsip sa tubig ng ilog. 

Hanggang sa ngayon ay nanatiling nasa alert level 4 ang bulkan na ibig nitong sabihin ay malaki ang posibilidad na magkaroon ng hazardous eruption sa loob ng oras o di kaya mga araw. 


Kaya naman patuloy pa rin ang pagobserba sa pag-aalburuto ng bulkan.

Samantala, nagbigay ng babala ang PHIVOLCS na maaaring makaranas ng volcanic tsunami o explosive eruption lalo na nanatili pa ring nasa alert level 4 ang bulkan.


Ayon pa sa kanila ay maaaring tumagal ang pag-aalburuto ng taal na umabot sa ilang buwan kaya naman pinalilikas ang mga taong malapit sa danger zone at kasalukuyang hindi muna ipinapabalik ang mga ito.

Walang sawang nagpapaalala ang mga eksperto na lumikas ang mga tao o residente rito para hindi mapahamak dahil hindi matukoy kung kailan o hanggang kailan sasabog at mag-aalburuto ang bulkan.

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa