Netizen, Naantig Ang Puso Sa Isang Aeta Na Nagtitinda Ng Alkansya Sa Divisoria Ngunit Hindi Pinapansin Ng Mga Tao



May ilang mga Pinoy na kapag nakakakita sila ng mga katutubong Aeta ay iniiwasan nila at nagkakaroon ng diskriminasyon. Marahil dahil sa kanilang kulay ng balat at uri ng pamumuhay. 

Pero dapat nating alalahanin na kababayan pa rin natin sila kaya imbes na iwasan o pandirihan ay dapat natin silang tulungan. 

Ang netizen na nakilala bilang si Faith HA ay nagbahagi ng kanyang saloobin sa kanyang Facebook account matapos niyang makita ang isang matandang lalaki na Aeta na nagtitinda ng mga kawayang alkansya sa Divisoria. 

Kahit na hirap magsalita ng Tagalog ang matanda ay patuloy pa rin ang pag-alok nitong paninda sa mga dumaraan sa labas ng Divisoria Mall. Ngunit wala man lang pumapansin sa kanya at sa kanyang mga paninda.

Nilapitan ito ng netizen at tinanong,

"Magkano po tay?

him: 120 pero 100 nalang bigay ko, kanina pa kasi walang bumibili sa akin. Bigyan kita isa pa kasi ikaw unang bumili sakin."

Kwento ng netizen na nagbigay siya ng 200 piso ngunit hindi niya tinanggap ang isa pang alkansyang ibinibigay ng libre ng matanda. Hindi na rin niya kinuha ang sukli na 100 piso bilang tulong na lamang sa kanya. 

Panawagan ng netizen na kapag may nakakita sa matandang Aeta ay sana ay bumili sa kanya ng mga paninda nitong mga kawayang alkansya bilang tulong na rin ito sa matanda na naghahanap buhay ng marangal.

Dagdag pa niya,

"Not because he is an Aeta pang mamaliitin na natin or hindi na natin papansinin. Nag hahanap buhay din sya.. please change our mindset people.

He thanked me two times with smiling face.

When you work really hard and you help others, God helps you get what you want. You will find the smiles of those whom you've helped. Their gratefulness and prayers of blessing are worth more than a million gems. You will realize that helping others is the most amazing feeling in the world."

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Ginawa Ng Estudyanteng Ito Ang Improvised Ballpen Na Gawa Sa Kahoy Dahil Pursigido Siyang Makapag-aral Kahit Wala Siyang Gamit