Netizens, Hinangaan ang Kakaibang Pre-Nup Pictorial ng Dalawang Mag-asawa sa Cebu




Ang pagplaplano ng kasal ay isa sa mga hindi madaling desisyon sa buahy ng dalawang taong nagmamahalan dahil bukod sa pagiging handa nila sa kanilang puso at isipan ay dapat ding handa sila sa kanilang mga magiging pinansyal na pangangailangan magmula sa kanilang gagawing kasal hanggang sa maging bagong buhay nilang magkasama bilang magkabiyak at magkapamilya. Maraming mga magkakasintahan sa ngayon ang pinipiling mas maging praktikal pagdating sa pagplaplano ng kanilang mga kasal samantalang ang iba pa rin naman ay pinaglalaanan talaga ito ng oras, panahon pati narin ng salapi.

Kamakailan lamang ay kinabiliban ng mga netizens sa social media ang magkasintahan na ito mula sa Cebu dahil sa kakaiba nilang konsepto para sa kanilang pre-nuptial pictorial. Ang bride ay nakilala bilang si Angelie Jean na siya mismo ang humiling sa kanilang magiging photographer na mas gawing makatotohanan at natural ang kanilang pre-nup pictorial. 





At ang naging kalabasan nito ay napakagandang mga larawan na nagpapatunay ng mga pangyayaring nagaganap naman talaga sa buhay mag-asawa. Ang mahusay na photographer na kumuha ng kanilang larawan ay nakilala din bilang si Gail Geriane na nagbahagi ng higit sa 50 na larawan ng magkasintahang si Angelie at ang kaniyang nobyo na si Paul.

Ilan sa mga nag-viral na larawan ay ang pagtuturo ni Angelie kay Paul ng paglalaba ng damit. Mayroon din silang larawan kung saan ang dalawa ay umiinom ng kape sa kusina at nagluluto ng pagkain. Nakita din ang larawan na magkasama sila sa Unibersidad ng Cebu na kung saan ay baka dun sila nagtapos ng kolehiyo. Agad pinagusapan sa publiko ang kanilang mga larawan dahil sa pagpapakita ng simple at pagiging malikhain na pictorial. 

Comments

Popular posts from this blog

Matapat Na Airport Security Guard Nagsauli Ng Nalaglag Na Perang Nagkakahalagang P500,000 Sa Isang OFW

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

6 Magandang Benepisyong Makukuha Sa Pagkain Ng Sayote

Batang Scientist Nadiskubre Ang Benepisyo Ng Aratiles Para Sa May Mga Dyabetis

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?