Netizens, Na-inspire sa Isang Lola na Nagbabasa ng Bibliya sa Labas ng Bahay




Pumukaw sa atensyon ng mga netizen sa social media ang larawan ng isang lolang nagbabasa ng bibliya sa labas ng kanyang bahay. Sa kabila kasi ng katandaan ni lola ay nagagawa pa rin niyang magbasa ng bibliya. Naantig dito ang puso ng mga netizens dahil sa simpleng larawan ay nagbigay rin ito ng mabigat na kahulugan.

Maraming nakapagmuni-muni na sa kabila ng edad at katayuan ni lola ay may panahon pa rin siyang maglaan ng oras para magbasa ng bibliya. Aminin man natin o hindi, karamihan sa mga Pinoy ay nakakalimot ng magbasa ng bibliya. Marami tayong oras sa iba’t ibang bagay, madalas kulang pa nga dahil nakatuon lang lagi ang oras natin sa trabaho o kaya sa ating mga gala.




Ang larawan ni lola habang nagbabasa ng Bibliya ay naging eye opener sa ilang mga netizens dahil naging paalala ito sa kanila na huwag makakalimot sa Panginoon. Lahat tayo ay may mga pagsubok na pinagdadaanan kaya katulad ni Lola ay maging malapit rin tayo sana tayo sa Panginoon. 

Bumuhos ang dalangin at papuri kay lola dahil malinaw pa rin ang kanyang mata at patuloy ang kanyang pananampalataya sa Diyos kahit sa likod ng kaniyang edad na kailangan sana ay nagpapahinga na lamang siya sa loob ng kanilang bahay kung may bakanteng oras siya ngunit sa halip ay ginugugol niya ang kaniyang oras upang magbasa ng Bibliya at wag kalimutan ang pananampalataya sa Diyos. Nakatira lamang si lola sa isang maliit na kubo kung saan walang kuryente. Samantala, ang larawan ay ibinahagi ng Issues International page kung saan umani ito ng 10,000 shares at 5,500 reaksyons mula sa mga netizen.

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa