Netizens, Naantig Sa Isang Pulubi Na Nakikipaglaro Sa Kanyang Alagang Aso


Madalas sa mga bahay-bahay natin ay nag-aalaga tayo ng mga hayop partikular na ang mga aso dahil sila ang nagsisilbing taga-bantay. Marapat rin na sila ay inaalagaan, pinapakain, at binibigyan ng matutulugan dahil nagiging parte na rin sila ng ating buhay. 

Ngunit para sa isang taong walang pera, walang matirhan, at walang makain, mapapaisip ka na lang kung kaya pa ba nilang mag-alaga ng hayop samantalang ang kanilang sarili ay hindi na nila maalagaan.

Iyan ang ikinamangha ng mga netizens matapos magviral ang larawan ng isang matandang lalaking pulubi na nakitang nakikipag-laro sa kanyang alagang aso habang sila ay nasa gilid ng kalsada. Gamit ang isang basyong bote ay iyon ang tila ipinapalaro ng matanda sa aso. 

Ibinahagi ang mga larawan ng isang Facebook page na Furr Station na kung saan nilagyan ito ng caption na, "Poor by money but rich of heart. God bless you Tay."

Agad na umani ng magandang reaksyon ito sa mga netizens dahil kahit sa estado at kalagayan ng buhay ni Tatay ay nakuha pa niyang mag-alaga ng isang aso. Lalong naantig ang puso ng mga netizens dahil makikita ang pagmamahal ng isang amo sa kanyang alagang hayop.

Sa isang larawan ay makikita naman na habang naglalakad ang matanda na may hinihilang trolley ay doon niya isinakay ang kanyang alaga. 

May iilang mga netizens na gustong tumulong sa matanda at hinihiling na sana ay matulungan pa si Tatay at ang kanyang aso. Mayroon din naman na nag-tag sa aktres si Heart Evangelista dahil kilala siya sa pagiging dog lover at nagbibigay ng tulong sa mga aso.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:


"A dog doesn't care if you are rich or poor. A dog will love you all his life."

"This picture say it all. Sometimes less fortunate [people] have a big heart than fortunate ones."

"Buti si tatay, kapos na sa buhay pero di pinababayaan alaga niya."

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!