Pinoy OFW, Nag-Ipon Challenge at Nakaipon ng 1M sa Loob Tatlong Taon!




Napabilib ang mga netizen matapos ibahagi ng isang Pinoy OFW ang kanyang perang naipon na umabot lang naman ng 1 milyon piso. Napa-wow ang lahat matapos makita ang malaking halaga na naipon ni Neil Ryan Lorenzo. Ayon kay Neil, umabot rin ng tatlo at kalahating taon bago niya maisipang buksan ang kanyang alkansiya. Hindi rin nakapaniwala si Neil na dahil sa pag-iwas niya sa mga m@sasam@ng b!syo, pagdidyeta at pagtigil sa kinahiligang online games ay nakakaipon siya ng isang milyon.

Kwento ni Neil, malaki ang naitulong sa kanya ng Peso sense Facebook page dahil sa ipon challenge kung saan ito ang naging dahilan na itinigil na niya ang kanyang mga b@d hab!ts. Dahil rin sa pag-iipon, mas natutunan niyang pangalagaan ang kanyang sarili. Mula umano sa bigat na 85 kilos ngayon ay bumaba na ito ng 65 kilos. Natigil rin ang paggastos niya ng pera matapos itigil rin ang paglalaro ng online games.





Sobrang saya ang naramdaman ni Neil, kaya bilang pasasalamat sa kanyang biyaya ay nagpamahagi siya sa mga netizen. Bago magpasko nitong Disyembre 22 ay nagparaffle si Neil sa sinumang nagbahagi at nag-like ng kanyang post. Ayon sa kaniya, pumili siya ng tatlong netizen na makakatanggap ng 500sr o katumbas ng P6,500. Ipamamahagi umano ito bilang pamasko. Dagdag pa niya, magbibigay rin siya sa kanyang nanay at magbibigay rin sa simbahan. Magpapamahagi rin umano siya sa mga pulubi kapag nakauwi na siya ng Pilipinas.

Samantala, na-inspire naman rito ang mga netizen at nais din gawin ang ginawang pag-iipon ni Neil. Dati paman, nauuso na talaga ang pag-iipon. Kaya naman kadalasan sa mga Pilipino ay may alkansiyang lata o bote para doon ihulog ang pera. Talagang iba’t ibang pamamaraan ang ginagawa ng mga Pinoy para makapag-ipon dahil may pinaglalaanan ang pera. Maaaring sa pagbabakasyon o pagbili ng materyal na bagay o sa iba pang okasyon.

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa