Pinuri Ang Isang Mister Na Pumayag Maging "Human Chair" Para Sa Kanyang Buntis Na Asawa


Ang mga mister nagiging mas maalaga sa kanilang asawa lalo na kapag ito ay nagdadalang tao. Bilang hindi rin naman kasi madali ang maging buntis lalo na't kapag lumalaki na ang iyong tiyan. Madalas ay madali kang mapagod at mangawit sa kakatayo. 

Ang isang mister na ito sa China ay napaantig ang puso ng mga netizens matapos makita sa isang video ang kanyang ginawang pagmamalasakit sa kanyang asawang buntis habang sila ay naghihintay sa lobby ng isang hospital.

Nangyari ito sa isang medical facility sa Hegang, China na kung saan ang lugar ay crowded dahil sa dami ng mga pasyenteng pumupunta rito para magpa-check up

Tila hirap na ang babae na tumayo ng matagal dahil malaki na ang kanyang tiyan sa pagdadalang tao kaya naman ang kanyang asawa ay umupo na sa sahig at hinayaan ang kanyang buntis na misis na upuan siya sa likod na para bang isa siyang 'human chair' upang hindi na ito mahirapan.

Makikita ang babae na nakaupo sa may bandang balikat ng lalaki habang hawak-hawak ang railing sa pader. 

Hinangaan naman ng mga netizens ang pagiging gentleman ng mister at ikinadismaya naman ang mga taong komportableng nakaupo lang sa gilid ng lobby na hindi man lang nag-alok ng upuan sa buntis.

Tila walang pake at tuloy lang ang pagce-cellphone kahit na tiyak naman na nakikita nila ang kalagayan ng mag-asawa. 

Giit naman ng ilang netizens na mayroon namang mga upuan sa may bandang dulo at doon na lamang sana umupo ang mag-asawa. Ngunit depensa ng ilan na baka hindi nila marinig na matawag sila kaya mas pinili nilang sa mas malapit sila manatili. 

Dito pa lamang ay makikita na ang tunay na pagmamahal ng lalaki sa kanyang asawa, dahil mas pinili niya na kahit siya na lang ang mahirapan huwag lamang ang kanyang misis na nagdadalang tao. Bibihira na lamang siguro sa mga mister ang gagawa nito. 

Comments

Popular posts from this blog

Nagulat Ang Bride Matapos Magpakita Ang Dating GF Ng Kanyang Mapapangasawa Sa Mismong Araw Pa Ng Kanilang Kasal

Dahil Sa Pusa, Nabunyag Ang Tinatagong Sikreto Ng Mister Sa Kanyang Misis

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Pinaglinis Ang Isang Kasambahay At Nakatagpo Ito Ng Napakaraming Pera, Pero Duda Niya Isa Lang Itong 'Honesty Test' Sa Kanya

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation