Saab Magalona Nag-Donate ng Sariling Breast Milk Para Babies sa mga Evacuation Centers




Karamihan sa mga lungsod ng bansa ang hindi sumasangayon na magkaroon ng mga donasyon tungkol sa pag papa breastfeed sa mga sanggol na nasa evacuation centers. Dahil madaming hindi magandang resulta ang pwede daw mangyari sa mga sanggol na posibleng magkasakit ang mga ito. 

Ngunit ng malaman ng Band Singer na si Saab Magalona na nangangailangan ang gobyerno ng batangas ng mga donasyon lalo na pagdating sa mga breast milk, hindi agad nag atubili ang singer na mag donate ng kaniyang sariling gatas. 


Ngunit hindi daw nito alam kung papaano makakarating sa batangas ang kanyang mga donasyon, sa kadahilanang hindi ito pwedeng umalis sa bahay dahil sa dalawa nitong anak na si Pancho at Vito. 



Kaya noong January 15, 2020 napag desisyunan ni Saab na mag reply agad sa isang post ng netizen na nagbigay alam sa publiko na nangangailangan sila ng breastmilk.


“Kasalukuyan po tayong nangangailangan ng mga breast milk at breast milk pouches para sa mga breastfed babies na nasa mga evacuation centers ngayon."

Agad naman umaksyon si Saab upang magbiagy ng kaniyang sariling gatas para sa mga nangangailangan.

"I have breastmilk but need help with sending to Batangas! Help!” reply niya sa isang Tweet ng isang netizen na nag hahanap ng breast milk. At pagkatapos ng mga kalahating minuto lamang muling nag tweet ang singer na sinabi niyang may nahanap na daw siyang paraan para maipadala ang kanyang mga donasyon. 




Kung saan sunod sunod na din ang pag dating ng mga taong gustong tumulong sa mga evacuees.

“Update: Already found somebody who can transport my milk. Thanks, guys!” she said.


Kung matatandaan, ang Department of Science and Technology ay ipinag babawal na nito ang mga donasyon ng Formula milk, Feeding bottles at kahit mga breast milk.

Sa kadahilanang wala naman daw na malinis na tubig ang mga evacuation center na kung saan pwedeng ma infect ang mga sanggol through cross contamination.

Ngunit sa may maayos na patnubay ng mga government officials naipadala naman ng maayos ang mga donasyon at nabigyan ng gatas ang mga sanggol na nangangailangan. Kaya ganun nalamang ang katuwaan na naramdaman ng mga magulang ng matanggap na ang mga naipadalang donasyon.

Comments

Popular posts from this blog

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!