Sakristan, Gumraduate ng Magna Cum Laude at Pasado sa Agriculturist Licensure Examination




“Kapag may tiyaga, may nilaga.” Ito ang pinatunayan ni Ceff Jr. Basa na sa kabila ng kahirapan ay hindi ito magiging hadlang basta may pagpupursige at tiyaga. Nitong November noong nakaraang taon na 2019 ay nakapasa si Ceff sa Agriculturist Licensure Exam. Nagtapos rin siya ng kursong Agriculture bilang Magna Cum Laude sa Bulacan Agricultural State College (BASC) sa San Ildefonso, Bulacan. Sa kawalan ng trabaho ng tatay ni Ceff ay nagsumikap siyang makapag-aral sa kolehiyo. Gumawa siya ng paraan upang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

Upang makapag-ipon ay namasukan si Ceff sa isang school canteen. Siya ay bunso sa anim na magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay nagsipag-asawa na rin kaya naman mas lalo siyang nagpursige upang makapag ipon. Makalipas ang isang taon, bumalik si Ceff sa pag-aaral habang patuloy na sinusuportaan ang sarili. Habang patuloy na binabalanse ang kanyang oras, pumasok rin siyang sakristan sa kanilang simbahan.





Ngunit sinubok si Ceff ng tadhana dahil na-str0k3 ang kanyang ina habang ginagampahan ang kanyang mga tungkulin mula paaralan hanggang sa trabaho hanggang sa pagiging sakristan. Hindi naging madali ang kanyang pinagdadaanan ngunit ni minsan ay hindi siya nawalan ng pag-asa. Bagkus, nagpursige pa siya at ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pag-aaral. Kaya naman ang kanyang pagsusumikap ay nasuklian rin ito ng magandang bunga. 

Bukod kasi sa nakapagtapos siya bilang Magna Cum Laude ay pasado rin siya sa board exam. At ngayon ay isa na nga siyang Registered Agriculturist. Napahanga ang mga netizens sa tibay ng loob at tiyaga ni Ceff upang makamit ang kanyang pangarap. Tunay ngang isa siyang inspirasyon sa lahat ng nangangarap. Isa na namang patunay na hindi dahilan ang kahirapan para ihinto ang mangarap, bagkus ay dapat na manalangin lamang at magtiwala sa buong Maykapal gaya ng ginaya ni Ceff. Ang kanyang pagsusumikap ay dinagdagan niya ng maraming dasal at tiwala sa Diyos.

Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Wala Talagang Iwanan! Si Bantay At Muning Kasama Sa Paglilipat Ng Bahay

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class