Senator Manny Pacquiao, Nagtapos na ng Kolehiyo at Planong Kumuha ng Masteral sa Harvard University




Si Emmanuel "Manny" Dapidran Pacquiao o mas kilala bilang si Pacman ay isinilang noong ika-17 ng Disyembre 1978. Siya ay isang Pilipinong propesyunal na boksingero at politiko. Siya ang kauna-unahang kampeon ng walong dibisyon, nanalo ng sampung titulo at unang nakakamit ng panalo sa Lineal Championship sa limang magkakaibang dibisyon. Binansagan si Pacquiao ng "Fighter of the Decade" noong dekada 2000 ng Boxing Writers Association of America (BWAA), World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO). Siya rin ay tatlong beses naging "Fighter of the Year" sa mga taong 2006, 2008 at 2009 ng The Ring at BWAA. Best Fighter ESPY Award rin sya noong 2009 at 2011.

Ngayong araw tinanggap na ni Boxing icon Senator Emmanuel “Manny” D. Pacquiao ang kanyang diploma matapos magtapos sa kursong bachelor of science in public administration degree. Nag-enroll si Pacquiao sa kolehiyo noong 2008 at sa wakas makalipas ang 11 na taon nakapagtapos na siya kursong Political Science. Noong 2007 nang makuha ni Pacquiao ang high school diploma niya at pumasa sa accreditation and equivalency test ng Alternative Learning System accreditation ng Department of Education (DepEd). 





Proud ang senador sa kanyang tagumpay, kaya naman noon palang September ay nag-post na siya sa kanyang Instagram account at ipinagmalaki niya rin ang kanyang school ID sa University of Makati. Ayon sa Boxing Champ, dapat ay hindi tayo tumigil sa pagkatuto dahil ang buhay ay hindi tumitigil sa pagtuturo. Sinabi rin ni Pacquiao na plano niyang mag-masteral sa Harvard University.

Saad rin ni Pacquiao na ipapaubaya niya sa Panginoon kung tatakbo siya sa mas mataas na posisyon. Sobra sobrang pasasalamat ang nais niyang sabihin sa Panginoon at sa mga taong naniniwala sa kaniya dahil sobra sobra din naman talaga ang kaniyang mga natatanggap. Samantala, nagpost na rin ng pagbati ang misis na si Jinkee Pacquiao sa asawa.

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Nakatuklas Ang Lalaking Ito Ng Higit 2Milyong Dolyar Na Ancient Treasure Na Mula Pa Sa Mga Ancient Vikings

Sari-Sari Ang Naging Komento Tungkol Sa Larawang Ito Dahil Sa Pagkakasalansan Ng Mga Hollowblocks Sa Isang Bahay

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa