Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko





Ang ating bansa ay binubuo ng iba't ibang lahing katutubo at isa na nga dito ang mga Aeta. Mas maitim ang kanilang kutis kumpara sa nakasanayan na kayumangging kulay ng mga Pilipino at kulay itim rin ang kanilang kulot na buhok. Madalas silang manirahan sa bulubundukin at mga liblib na lugar noong unang panahon ngunit dahil na rin sa kawalan ng makain sa bundok ay napipilitan silang bumaba sa patag para makipagsapalaran.


Hindi sanay ang katutubong Aeta sa kalakaran ng mga tao sa lungsod kaya naman mayroong mga pagkakataon na sila ay naloloko o di kaya naman ay binabale-wala ng ibang tao lalo na at hindi rin nakapag-aral ang karamihan sa kanila.

Sa katunayan, isang pangyayari sa bus station ang naging viral kamakailan lang sa social media nang isang concerned netizen ang nagbahagi ng kwento ng pamilyang Aeta na hindi pinasakay ng mga airconditioned na bus.


Ang nasabing kwento ay ibinahagi ni Mikhael Petito sa kaniyang Facebook account.


"...Habang naghihintay ako ng bus papuntang Pasay napansin ko sila sa gilid ng shed may kausap na babae. Nacurious ako and lumapit kung saan sila papunta. Nalaman ko sa Sta.Cruz, Pampanga lang sila at AYAW SILANG PASAKAYIN sa mga aircon bus??? 2 bus na daw ang dumaan at tinanggihan silang sumakay...," saad ni Petito.


Makikita sa ilang larawan na payak lang ang kanilang kasuotan at mayroong dala-dalang bag sa kanilang likuran. Tahimik lang silang nag-aabang sa bus station ngunit hindi naman binibigyan ng pagkakataon na makasakay dahil hindi sila pinapahintulutan ng mga driver at konduktor. Sa kabutihang palad ay natulungan sila ni Petito na makasakay sa isang mini-bus na dumaan at sa wakas ay nakatuloy din sa nais nilang puntahan.

Tinawag din ni Petito ang pansin ng pamunuan ng Victory Liner at muling pinaalala ang pagkakaroon ng bawat mamayang Pilipino ng pantay na karapatan kahit na nagmula pa sila sa ibang lahi.



"Hi Victory Liner Inc., may existing rules ba kayo na namimili ng sasakay?

Agad namang sumagot ang nasabing kompanya at nangakong bibigyan ng pansin ang iregularidad na ipinakita ng ilan nilang empleyado.


"I agree with you, that all of the PUV's should not select their passengers. All are equal and should be treated the same as the others. Aetas are also Filipino's, are humans therefore they should be treated as one," sagot ng Customer Care Superintendent ng kompanya ng Victory Liner.


Tunay ngang hindi dapat nagiging dahilan ang pagkakaiba-iba ng ating panlabas na kaanyuan at katayuan sa buhay para mag-iba ang pakikitungo natin sa isa't isa.

Comments

  1. tapos kunwari we support black live matter, eh tayo mismong mga pinoy may pagka racist...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Grabe ang Pilipino, napaka racista, kaya pagdating sa ibang bansa ay madalas ang tingin ng ngga ibang bansa ay napaka baba. Kumbaga, kabayaran sa gawain

      Delete
  2. May karapatan din sila at may pambayad naman sa pamasahe..
    Mga walang awa😡😡😡
    Ang yabang ng mga driver at konduktor..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga.. Mga hayop na yan namimili p ng pasahero at magba2yad din nman yan.. Dapat sa inyo tanggalan ng Lisensya para madala at matuto kyo..

      Delete
  3. Noon ngang d pa pandemic my descrimination na lalo pa ngayon. Sana naman maisip dinnatin na yung ginagawa natin eh posibleng maranasan natin.

    ReplyDelete
  4. Lah grabe nmn yan... Nakakalungkot lang na pati sa panahon ng pandemic merong ganyan

    ReplyDelete
  5. Nakakalungkot lang tlaga isipin na nahuhusgahan na sila dahil sa panlabas na anyo lamang,at kapwa pilipino pa ang gumagawa,pero siguro kung foriner yan,matangos ang ilong,maputi ang balat,welcome na welcome yan for sure...sila dapat ang suportahan,at maging fair tayong lahat sa kanila,maging makatao naman tayo....

    ReplyDelete
  6. This one just showed up that even we have the same nationality, racism still prevail :< (nakakalungkot isipin na Pilipino rin ang nag dudulot ng diskriminasyon sa kapwa niya Pilipino ). Kahit ano man ang kulay ng isang tao, anumang kasarian mayroon siya, ano man ang estado niya/nila sa buhay, kung saan mang ethnic group man sila kabilang, taga Luzon, Visayas o Mindanao man yan either those people who's living in other countries, is needed to be treated equally and we should put esteem/respect towards other people no matter what the differences we have to each other, REMEMBER pare-pareho rin naman tayong mga tao who needs acceptance regardless of our dissimilarity in life. Instead of discriminating other people because of their unlikeness let's be fair-mindedness. Racism/discrimination of any form should not be tolerated! ACHIEVING RACIAL DIVERSITY, EQUALITY & EQUITY IS A MUST! just saying , God bless us all. Keep safe & stay hydrated hooman!🙂

    ReplyDelete
  7. Sana po matoto tayong tumulong sa kapwa tao ntin kahit na aetas pa sila iisang pilipinas lang po tayo..nkatira ... Grave naman yung conductor nyan at driver matuto po sana kayo na magpasakay tska may pambayad nmn po sila wag po kasi kayong mapili yung isasakay nyo.... Kung kayo kaya yung nasa sitwasyon nila tas dikayo papasakayin diba masakit yun ilang bus na pla na dumaan pero di nyo mnlng pinasakay wala tlgang puso,
    Sana po matuto kayong tumulong kahit na wala mang pera na pambayad or what else... Dapat nagtutulong tulong ang bawat pilipino kasi iisang bansa lang tayo..... 😔

    ReplyDelete
  8. Ita man at hindi, may hindi magandang patakaran ang bus na yan. 20 min before departure paano kung matrafic pinanggalingan? Dapat bigyan ng consideration yung may ticket reservation. tapos ibibigay sa change passenger yung seat na bayad na, tapos ikaw na nagpareserve 3 days ago sa sahig ka uupo? Kung di nga lang malalate ako sa flight ko during that time.

    ReplyDelete
  9. Karamihan po sa aming mga IPs na napupunta sa mga lungsod na ganyan ay walang masyadong kaalaman sa mga pamamalakad jan.

    Sa mga times na ganyan po ay nating ipakita ang ating "HUMANITY" kung mayron man tayo nun. Anyone has their own pride, wla man tayong makikitang mabubuga ang isang tao but we must respect everyone cause everyone has their dignity or pride that's needed to be respected. Bat ko pinagsasabi to? Bumisita kayu dtuy kabantayan para iparikna mi kinyam ti kina hospitality at para maranasan mong marespeto kung d mo pa nararanasan.

    Sometimes the uneducated ones are more respectful than the sh*t degree holder.

    ReplyDelete

Post a comment

Popular posts from this blog

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa