Waitress ng Isang Pizza Parlor, Binigyan ng Isang Buong Pizza ang Lalaking Nanghihingi ng Tirang Pagkain




Viral ngayon ang isang waitress sa isang sikat na pizza parlor kung saan binigyan niya ng isang kahon ng pizza ang matandang lalaki na nanghihingi ng pagkain. Nakuhanan ng isang netizen ang pangyayari na pumukaw sa atensyon ng mga netizens. Hinangan nila ang pagmamagandang loob ng waitress sa kabila ng katayuan ng lalaki. Ang larawan ay kuha ni Lia Del Castillo. Ayon kay Lia, ang mas ikinamangha niya ay ang pagtrato ng waitress sa lalaki na parang regular rin na customer.

Kahit umano sila ng kanyang asawa at ang mga taong kumakain doon ay nagbigay rin ng pera para sa lalaki. Kwento ni Lia na dating TV reporter, kasama niya ang kanyang asawa na kumakain sa Yellow Cab Pizza sa may SM The Block nang dumating ang lalaki at nanghihingi ng tira-tirang pagkain. Sa isang lamesa na may laman pa ang pitsel ay ininom ito ng lalaki gamit ang isang gamit na din na na baso. 





Aniya, hindi umano nila ito inintindi noong una. Kaya nagulat sila ng papaalis na ang lalaki at tinawag itong bigla ng waitress. Pinapahintay nito ang matanda at pagbalik ay may dala-dala ng isang kahon ng pizzana kanilang ikinatuwa at ikinamangha. Halos maiyak umano ang lalaki ng tanggapin ang pizza na ibinigay. 

Kinain umano nito agad ang pizza at ang sobra ay itinago nito sa bag na dala. Bago umalis ang lalaki ay hinintay daw nitong dumaan ang waitress at nagpasalamat. Pinuri din ni Lia ang waitress sa pagiging mabait at makatao nito. Aniya, “Sir” pa rin ang tawag ng babae na parang regular customer lang na bumili.

Comments

Popular posts from this blog

7 Celebrities Who Were Romantically Linked to Vic Sotto Before He Married Pauleen Luna

Ibinahagi Nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang Pagdiriwang ng Kanilang First Anniversary Bilang Magkasintahan

Wala Talagang Iwanan! Si Bantay At Muning Kasama Sa Paglilipat Ng Bahay

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Maswerte ang Housemaid ni Pia Guanio Dahil Isinasama Ito sa Ibang Bansa at Ipinag-aral pa Ito ng Aktres ng Cooking Class