Wow! Bagong Kasal Nakatanggap Ng P629,000 Sa Pagsasayaw Ng Prosperity Dance Sa Kanilang Kasal


Naging parte na sa tradisyon sa mga kasalang Pinoy ang pagsasayaw ng bride and groom ng kanilang prosperity dance o money dance. Isinasagawa ito pagkatapos ng seremonya ng kasal, na kung saan ang bagong mag-asawa ay sasayaw sa harapan habang ang kanilang mga bisita ay magsasabit ng pera sa kanilang damit. 

Ang tradisyong ito ay nagsisilbing simbulo na ang mga bisita ay naghahangad ng "good fortune" sa bagong kasal. Sa paraang ito rin, ang perang kanilang natanggap ay makakatulong din bilang panimula nila bilang mag-asawa. 

Samantala, mapapa "sana all" na lang tayo sa bagong kasal na ito sa Davao City dahil sa laki ng natanggap nilang pera mula sa pagsasayaw ng kanilang prosperity dance. 

Ayon sa photographer na si Ernie Piamonte Balili, na taga Tagum City sa Davao del Norte, nakatanggap ang mag-asawa ng suma-total na Php629,000 noong kanilang kasal. Makikita sa larawan na kanyang ibinahagi na ang mga perang papel na nakasabit sa damit ng bagong kasal ay mga Php1,000 at Php500.

Isinabit ito na nakahugis pamaypay kaya naman tila nagmukhang disenyo lamang ito sa kanilang suit at gown. 

Maraming netizens ang nagkomento na sila na yata ang pinakamaswerteng ikinasal sa buong mundo dahil sa pagtanggap ng ganito kalaking halaga sa kanilang espesyal na araw. 

Samantala, ang netizen na si Jan Marianed Casten Faeldonia ay nagbahagi naman ng larawan ng kapatid ng bride na kung saan sinabitan rin ito ng mga perang papel na hugis pamaypay noong kasal nito. Wika ng ilang netizens na baka tradisyon na talaga sa kanilang pamilya ang pagbibigay ng ganitong kalaking pera sa mga ikinakasal. 

Narito ang ilang komento ng mga netizens:

"Grabe milyonaryo ang pamilya. Kaswerte. Mapapa-SANA ALL KA TALAGA."

"Baka pwede pong makuha names ng ninongs at ninangs nyo. Peram muna po."

"Bawi na ang nagastos nila sa kasal."

"Sana all generous mga bisita pag kasal."

Source: Facebook

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Batang Walang Computer, Hinahayaang Makigamit Ng Tab Sa Isang Gadget Store Para Makagawa Ng Assignment

Dating Pulubi, Nagtapos ngayon ng Valedictorian at Nakatanggap ng Scholarship sa Australia

College Student Ibinahagi Kung Paano Niya Pinagkakasya Ang 20 Pesos Na Allowance Niya Araw-araw Hanggang Nakagraduate Siya