Youtube Vlogger Na Si Basel Manadil, Namili At Namahagi Ng Libreng N95 Masks


Muli na namang nagpamalas ng kabutihan ang Youtube vlogger na si Basel Manadil na may Youtube channel na 'The Hungry Syrian Wanderer.' Noong nakaraang taon lamang ay napabalita na siya dahil sa pagtulong sa mga kapwa Pilipinong nasalanta ng lindol, namahagi ng pagkain noong Pasko, at ngayon ay tumulong sa mga taga Tagaytay at Batangas na naapektuhan dahil sa pagputok ng Bulkang Taal.

Sa post niya sa kanyang Facebook account ay nilagyan niya ng caption na, 

"VOLCAN KA LANG, FILIPINO KAME."

Ayon kay Basel ay nag-ikot ikot siya buong araw sa buong Metro upang maghanap ng mga N95 masks na kailangan ng mga taong naapektuhan dahil sa pag-aalburoto ng Taal Volcano. 

Dahil sa pagtaas ng pangangailangan ng mga tao sa mga masks na ito ay mayroong ibang mga negosyanteng nagre-resell at nagtaas ng presyo nito na umaabot P200-P400 kada piraso.

Labis na ikinalulungkot ito ni Basel dahil imbes na makatulong sana ang mga taong nagbebenta ng mga mahal na N95 masks ay pinagkakakitaan pa nila ito. 

"Sa mga mapanamantala po dyan na nagbebenta ng napakamahal na masks, sana po ay wag natin gamitin ang ganitong sakuna upang pagkakitaan."

Kaya naman sa pag-iikot niya ay binibili na lang niya ang lahat ng N95 masks na kanyang makita  upang ipamigay ito ng libre sa mga kapwa Pilipinong nasa Tagaytay at Batangas.

Susunod ay pupunta sila sa mga evacuation centers upang mamigay ng mga masks, blankets, diapers, tubig at iba pang kailangan ng mga tao doon. 

Muli namang hinangaan ng mga netizens ang kabutihang loob na pinapakita ni Basel dahil kahit na siya ay isang dayuhan ay niyakap niya ang pagiging pusong Pinoy na talaga namang nakaka-inspire at nakakaproud.

"Thank you so much Basel for helping Filipinos every times we are in need of help."

"Thank you so much Basel, words are not enough to say you're one of a kind hearted person, you helped a lot of people and I couldn't be more grateful for you."

"You are truly a gift from God for all of us Filipinos! We love you Basel!"

Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa