Posts

Showing posts from February, 2020

Hindi Designer Pero Ang Galing! Supportive Na Kuya Nagawan Ng Agaw Eksenang Gown Ang Kanyang Kapatid Na Gagamitin Sa Prom

Image
Napakasarap magkaroon ng isang kapatid na todo ang suporta sa iyo. Kaya naman kung mayroon lamang sigurong "Best Kuya Award" sa taong ito ay nanalo na ang isang kuyang ito dahil sa kanyang effort na mabigyan ng magandang gown ang kanyang kapatid na gagamitin nito sa kanilang JS prom.
Alam naman natin kung gaano kamahal ang bumili, magpa-tahi o magrent ng mga gowns lalo na sa mga panahong kailangang magsuot nito tulad ng mga school proms. Kaya naman dahil sa kagustuhan ng isang kuya na makapagsuot ang kanyang kapatid ng magandang damit sa prom ay personal niya itong ginawan.
Ang kuya na nakilala bilang si Maverick Francisco Oyao, isang Culture and Arts Education student ay ibinahagi ang kanyang pinagdaanan habang ginagawa ang gown ng kanyang kapatid. Hindi siya isang designer at walang karanasan sa paggawa ng mga bonggang gown, ngunit nakakamangha ang kanyang naging creation na ginawa lamang niya sa loob ng isang linggo.
Makikita sa isang larawan ang kanyang iginuhit na dise…

Guro Nagbibigay Ng Regalo Sa Kanyang Mga Honor Students Para Mas Lalo Pa Silang Ganahang Mag-aral

Image
Malaking pagsubok sa buhay ng isang guro ang panatilihing motivated ang kanyang mga estudyante na pumasok sa eskwela araw-araw at mag-aral ng mabuti. At bawat guro ay may kanya-kanya ring paraan upang maisakatuparan nila ito.
Minsan hindi sapat ang pag-papaalala lang sa mga estudyante na mag-aral sila ng mabuti upang makakuha sila ng mataas na grado. Kaya naman ang ibang mga guro ay gumagawa o humahanap ng ibang paraan upang mas ma-enjoy ng kanilang mga estudyante ang pag-aaral. At isa sa mga paraang ito ay ang pagbibigay ng recognition at award.
Ang guro na si Lemuel Java ng Ramon Torres National High School sa Bago City, Negros Occidental ay nagbibigay ng simpleng regalo sa kanyang mga estudyanteng nakakakuha ng mataas na grado. 
Pagkatapos ng bawat grading period ay nagpapagawa ito ng mga certificates sa kanyang mga honor students at binibigyan niya ang mga ito ng simpleng regalong personal niyang binibili. Kahit na sa kanya mismo galing ang gastos sa mga parangal na ito ay isinas…

Andi Eigenmann at Jake Ejercito Muling Nagkasama Dahil sa Piano Recital ng Kanilang Anak Na Si Ellie!

Image


Ang bawat magulang ay mayroong hangarin na maibigay sa kanilang mga anak ang halos lahat ng bagay na kailangan ng mga ito. Maliban dito ay suportado rin nila ang mga interes nila sa buhay at laging nariyan para tulungan silang maabot ang kanilang mga pangarap gaano man ito kalaki o kaliit. Madaling gawin ang bagay na ito kung magkasama at laging nagkakasundo ang bawat magulang ngunit kabaliktaran naman kung sakaling hindi.
Mayroon ngang pagkakataon na nagkakaiba-iba ang pananaw ng mag-asawa kaya naman nauuwi ito sa hiwalayan. Ganoon pa man, karamihan sa kanila na nalalagay sa ganitong sitwasyon ay sinisikap pa rin na magampanan ang tungkulin sa kanilang mga anak bilang magulang kagaya na lamang ng dating aktres na si Andi Eigenmann.



Bago pa man magdesisyon si Andi na umalis sa show business at manirahan ng tuluyan sa probinsiya ng Siargao ay nagkaroon siya ng anak na babae kay Jake Ejercito at ito ay si Ellie. 

Habang lumalaki, kilala na ng bata kung sino ang kaniyang tunay na ama at gin…

Estudyante, Walang Pambili Ng Bagong Tsinelas Pero Nakuha Pang Bigyan Ng Saging Ang Kanyang Guro Bilang Pasasalamat

Image
May mga mag-aaral sa malalayong lugar na nagsusumikap pa ring makapasok sa eskwelahan kahit na napakalayo ng kanilang nilalakbay araw-araw. Minsan dahil sa kapos sa buhay ang kanilang mga magulang ay hindi man nila maibili ang kanilang mga anak ng bagong tsinelas kaya naman pinagtitiisan na lamang ang sira-sira at pudpod na sapin sa paa. 
Gayunpaman, hindi ito nagiging hadlang sa kanila upang pumasok at matuto sa paaralan. 
Isang guro ang naantig ang puso sa kanyang isang estudyante dahil sa kabutihang loob nito sa kanya. Ibinahagi niya ito sa kanyang Facebook account at kinilala bilang si Teacher Ryan James Duenas. Ayon sa kanyang post, ay kakatapos lamang ng kanilang prelim activities at 30 minute reading intervention nang ang isa sa kanyang mga estudyante at napaka-late ng dumating.
Nahihiyang pumasok ang bata sa classrom at ang isang estudyante ay sinabihan si Teacher Ryan na nakarating na si Manuel suot-suot ang nasira nitong tsinelas.
Pagkapasok nito sa classroom ay nakita niya…

Mag-aama Naglakbay Mula Naga Hanggang Maynila Para Hanapin Ang Kanyang Asawa Gamit Lang Ang Kariton

Image
Bilang isang pamilyang nangungulila sa pagmamahal ng isang asawa at ina, ay sinubukang hanapin ng mag-aamang ito ang kanilang ilaw ng tahanan. Subalit dahil sa kakulangan sa pera ay tyinaga nila ang paglalakbay mula Naga hanggang Maynila gamit lamang ang kanilang munting kariton.
Naibahagi sa Facebook page na Unico Laguna ang larawan ng mag-aama na nakilala bilang si Manong David ang kanyang dalawang anak. 
Ayon sa post, ay taga Bicol si Manong David at lumuwas sila sa Maynila upang hanapin ang kanyang asawa na namamasukan bilang isang kasambahay. Nais kasi nila itong makita dahil sa kalungkutan at pagkakasakit ng kanyang mga anak na naghahanap rin ng pagkalinga ng isang ina.
Dahil wala namang sapat na pera ay dinala na lamang nila ang kanilang kariton na tulak-tulak ni Manong David sakay ang kanyang mga anak at doon na rin sila natutulog kapag naabutan na ng gabi sa paglalakbay.
Sa layo ng kanilang nilakad at nilakbay ay nakita naman nila ang kanyang asawa. Ngunit sa kasamaang palad…

Cakes na Gawa sa Instant Noodles, Sikat at Popular Ngayon!

Image
Ang isang panaderya sa Indonesia ay nagbebenta ng mga natatanging cake na umaangkop sa bawat pagdiriwang: mula sa kaarawan hanggang sa kasalan at marami pa. Ang mga pambihirang cake ay gawa sa instant noodles na may masarap na mga toppings at kilala sa pagkakaroon ng mga karapat-dapat na disenyo ng Instagram. Maaaring mag-order ang isa sa mga natatanging cake mula sa Tot Aw (maikli para sa "lubos na kahanga-hanga")
Ang mga cake na ito ay walang mga karaniwang lasa na nagbibigay kasiyahan sa iyong matamis na ngipin. Sa halip na icing, candies, at sprinkles, ang pansit na cake ay pinuno ng gulai ng manok (curry stew), opor (coconut milk stew) at rendang (beef simmered sa niyog at pampalasa), bukod sa iba pa.



Gayunpaman, maraming mga tao sa Indonesia ang talagang gusto ang mga cake na ito, na hindi lamang masarap ngunit sikat din sa kanilang mga karapat-dapat na disenyo at dekorasyon sa Instagram. Sa katunayan, ang mga instant na pansit ng Tot Aw ay nag-viral kamakailan matapo…

Tricycle na Tila Bahay Kubo, Viral sa Social Media

Image
Tampok ngayon sa social media ang isang tricycle na mala bahay kubo ang disenyo. Gawa ang sidecar kasi nito sa kawayan at nipa at dahil dito maraming mga netizens ang humanga sa nakaisip ng disenyo na ito na sadyang matatawag natin na sating mga Pilipino. 

Kung kayo ay mahilig mag commute siguro at ysa sa mga sinasakyan niyo ang tricycle na maaring naghahatid sundo sa inyo kung kayo ay may lakad. Parte na kasi ng buhay ng ibang tao ang pagsakay ng tricycle dahil ito ang karaniwan sa araw araw na sinasakyan sa mga maiikling byahe sa probinsya man o sa Maynila at iba pang parte ng siyudad. May iba't ibang laki, itsura at kulay din ito sa bawat rehiyon sa bansa. Maraming mga alaala na at karanasan ang maaring naexperience na ng mga pasahero sa pampublikong serbisyo na ito.



Ngunit hindi pangkaraniwan ang itsura ng tricycle ang binahagi ng facebook page na magsasaka bayani ka. Binigyan kasi ng nakaisip ng tricycle na ito ang pampublikong sasakyan ng kakaibang disenyo na tiyak patok nga…

Beauty on a Budget! Headband na Nabili ni Heart Evangelista sa Quiapo na 70 Pesos Kada Piraso, Suot Niya Ito sa Paris Fashion Week!

Image


Hindi na bago para sa fashionistang si Heart Evangelista ang lumipad sa iba't-ibang mga bansa upang dumalo sa mga ekslusibong events at shows ng mga naglalakihang pangalan sa larangan ng Fashion.
Kada taon ay inaabangan na ng mga tao at fans nito ang magiging bihis nito tuwing ito ay tutungo sa mga fashion shows na iyon lalo pa at paniguradong pinaghandaan nang todo ito ng aktres. Kasama ang kanyang buong team ay nagpunta muli ang aktres sa Paris, France para sa Paris Fashion Week 2020.

Mula noong ika-20 ng Pebrero, sa kanyang sariling Youtube channel ay mapapanood ang mga kaganapan sa araw-araw habang sila ay naroroon. Ibinahagi ni Heart ang ilan sa mga detalye kung ano ang kadalasan nilang ginagawa tuwing siya ay dumadalo sa mga nasabing event. 



Hindi naman makapaniwala ang mga manonood nang sabihin niya na ang gold headband na isinuot nito sa isa sa mga araw na iyon ay nabili pala nito sa Quiapo sa halagang 70 pesos lamang kada 4 na piraso. 
Hindi lubos akalain ng kanyang mga follo…

Lalake, Sumakay ng Motorbike sa Tubig at Kinabiliban at Pinagusapan Online!

Image
Maiisip natin na talaga namang cool kapag nakikita tayo ng isang tao na nakasakay sa kanyang motorsiklo sa gitna ng ilog. Nagbaha sa mga lansangan ng Barangay Landayan, San Pedro, Laguna para sa pagdiriwang ng kanilang fiesta noong Setyembre, kung ano ang nakakuha ng pansin sa mga residente sa panahon ng 'parada' ng Santo ay isang tao na nagpapatunay ng kanyang bangka na tumawid sa ilog.
Isang video clip na ibinahagi ni Vivian Belandres ang lumutang at kumalat sa online world matapos makita ang isang lalaki na nag-improvise ng kanyang bangka, ginawa at tinawag itong isang 'bangkang de motor'. Dahil literal na motor ang gawa nito. Huminto ang mga tao at tinitigan ang lalaki habang nagdala siya ng labis na kagalakan sa mukha ng mga tao sa paligid.



Ang motorbike sa ilog ay natatangi at lubos na kahanga-hanga habang ginamit niya ang kanyang mga materyales upang sumali sa 'parada'. Ginamit ng lalaki ang kawayan bilang isang baseline para lumutang ito at i-convert a…

Grab Food Driver na may Kapansanan, Niregaluhan ng Isang Sikat na Vlogger ng Electronic Bike!

Image


Kadalasan ang pagrereklamo ay parte na ng buhay natin, ito man ay tungkol sa mabigat na trapiko, mahahabang pila, panahon, klima at marami pang iba. Marami rin ang nagsasawa na sa pagod na dinaranas araw-araw sa pagta-trabaho o pag-aaral ngunit ang bida sa artikulong ito ay hindi nagpapadala sa ano mang hamon ng buhay kahit ito pa ay may kapansanan.
Siya si Kuya Joy, isang 47 anyos na Grab Food rider na mayroong isang binti na lamang. Sakay ng bisikleta nito ay nagde-deliver ito ng pagkain sa mga taong umo-order sa nasabing app.

Dahil sa kakulangan ng isang binti ay ginagamit nito ang saklay nito bilang alalay sa pagpepedal, bagay na sadyang mahirap gawin pero buong sipag nitong tinatiyaga para kumita ng pera. 


Ang kahanga-hangang dedikasyon nito sa pagbabanat ng buto ay napansin ito ni Basel Manadil na kilala sa social media bilang the Hungry Syrian Wanderer. 

Naantig ang puso ng vlogger at lubos itong napahanga, kaya naman nagdesisyon itong regaluhan si Kuya Joy ng sarili nitong e-bike.…

Kawawang Matanda, Nawalan Ng Hanap Buhay Sa Pagtitinda Matapos Siyang Palitan Na Lamang Ng Isang Vending Machine

Image
Dahil sa patuloy na pag-usbong ng ating teknolohiya, mas napapadali ang ating buhay dahil sa iba't ibang imbensyon tulad ng paggamit ng mga high tech at computerized na mga gamit. Mayroon ding mga sitwasyon na kung saan mga machine na lamang ang mga ginagamit at hindi na kinakailangan pa ng manpower katulad na lamang ng mga automated teller machines (ATMs) at mga vending machines.
Sa ganitong paraan, ang ilan sa mga nagtitinda ay nawawalan na ng hanap buhay dahil mas tinatangkilik na ng ilang mga establisyemento ang paggamit ng makabagong teknolohiya.
Katulad na lamang ng isang matandang babae na nawalan ng hanap buhay kahit na halos 60 taon ng nagtitinda ng mga inumin sa isang eskwela.
Kwento ng isang netizen na si Pearl Chang, ang kanyang lola ay matagal nag-ooperate ng isang drink stall sa kantina ng Singaporean's Chinese Girl's School simula pa noong 1950s. Araw-araw ay nagigising siya ng maaga upang paghandaan ang kanyang mga itinitinda.
Sa matagal niyang panahon na …

Aso Nailigtas Ang Kanyang Amo Sa Trip Na Papunta Sanang Wuhan Sa Pamamagitan Ng Pagsira Ng Passport Nito

Image
Sa paglaganap ng Wuhan coronavirus sa China at sa iba pang parte ng mundo, maraming mga turista ang naapektuhan sa kanilang pagta-travel dahil sa mahigpit na travel ban. Ngunit ang isang babaeng ito ay malaking pasasalamat pa niya dahil nasira ang kanyang passport bago siya makaalis ng Taiwan patungo sanang Wuhan, China. 
Kwento ng Taiwanese na babae na ilang araw bago ang kanyang biyahe ay nakita na lamang niya ang kanyang passport na nagka-sira sira dahil nginat-ngat ito ng kanyang asong si Kimi. 
Noong mga panahong iyon ay hindi pa masyadong kalat sa balita ang tungkol sa coronavirus at marami pa ang hindi nakakaalam tunkol dito sa ibang parte ng mundo. Kaya naman ilang linggo nang pumutok ang balita ay laking tuwa niya na hindi natuloy ang kanyang trip.
Imbes na kukuha sana siya ng panibagong passport ay minabuti na lamang niyang ipagpaliban muna ang kanyang pagbi-byahe.
Matapos mag-viral ang balita tungkol sa Wuhan outbreak ay nagpost siya sa kanyang Facebook account at ipinagma…