6 Taong Gulang Na Bata, Mas Pinipiling Tumulong Sa Gawaing Bahay Kaysa Maglaro Games Sa Cellphone


Bilang isang magulang, responsibilidad natin na disiplinahin at turuan natin ang ating mga anak ng mga gawaing bahay habang sila ay bata pa. Nawa'y sa ganoon, sa kanilang paglaki ay nakakatulong sila at nagiging responsable.

Ngunit maraming mga bata ngayon ang walang ibang alam gawin kung hindi mag-utos lalo na't kung may katulong o di kaya ay mag-cellphone na lamang ng magdamag. Minsan nagiging kapabayaan na rin kasi ito ng magulang dahil hinahayaan nilang mangyari ito. 

Sana ay maging inspirasyon sa mga bata at sa mga magulang ang isang 6 taong gulang na batang ito na nag-viral sa social media dahil sa kanyang pagiging masipag at responsable sa mga gawaing bahay. 

Ibinahagi ng Twitter user na si @zhariframli ang kahanga-hangang bata na si Mikail Harith dahil hindi tulad ng ibang mga bata na puro magce-cellphone ang inaatupag ay mga gawaing bahay ang paborito niyang gawin tulad ng paglilinis, pagbabantay ng kapatid, at maging ang pag-plantsa ng damit.

Kung bibisitahin naman nila ang kanilang lolo ay tutulong rin ito sa pagha-hardin, farming at sumasama rin siya sa pangingisda. 

Kahit na laking siyudad si Mikail ay na-train at tinuturuan siya ng kanyang mga magulang ng mga hands-on activities tulad ng pagluluto at pagtulong sa kusina. Hindi lamang ito benepisyal sa mga magulang, kundi natututo pa ang kanilang anak na maging responsable.  

Maraming netizens ang humanga dahil sa murang edad pa lamang ni Mikail ay marami na siyang alam gawin hindi tulad ng ibang mga bata ngayon na naka-asa pa rin sa kanilang mga magulang at hindi pa maasahan sa mga gawaing bahay.

Nawa'y magsilbi sana itong inspirasyon sa mga kabataan at pati na rin sa mga magulang dahil mas mainam na habang bata pa ay natututo na ang ating mga anak sa mga gawaing bahay sapagkat makakatulong rin naman ito sa kanila sa hinaharap.

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Batang Walang Computer, Hinahayaang Makigamit Ng Tab Sa Isang Gadget Store Para Makagawa Ng Assignment

Dating Pulubi, Nagtapos ngayon ng Valedictorian at Nakatanggap ng Scholarship sa Australia

College Student Ibinahagi Kung Paano Niya Pinagkakasya Ang 20 Pesos Na Allowance Niya Araw-araw Hanggang Nakagraduate Siya