Andi Eigenmann at Jake Ejercito Muling Nagkasama Dahil sa Piano Recital ng Kanilang Anak Na Si Ellie!




Ang bawat magulang ay mayroong hangarin na maibigay sa kanilang mga anak ang halos lahat ng bagay na kailangan ng mga ito. Maliban dito ay suportado rin nila ang mga interes nila sa buhay at laging nariyan para tulungan silang maabot ang kanilang mga pangarap gaano man ito kalaki o kaliit. Madaling gawin ang bagay na ito kung magkasama at laging nagkakasundo ang bawat magulang ngunit kabaliktaran naman kung sakaling hindi.

Mayroon ngang pagkakataon na nagkakaiba-iba ang pananaw ng mag-asawa kaya naman nauuwi ito sa hiwalayan. Ganoon pa man, karamihan sa kanila na nalalagay sa ganitong sitwasyon ay sinisikap pa rin na magampanan ang tungkulin sa kanilang mga anak bilang magulang kagaya na lamang ng dating aktres na si Andi Eigenmann.




Bago pa man magdesisyon si Andi na umalis sa show business at manirahan ng tuluyan sa probinsiya ng Siargao ay nagkaroon siya ng anak na babae kay Jake Ejercito at ito ay si Ellie. 


Habang lumalaki, kilala na ng bata kung sino ang kaniyang tunay na ama at ginawa ni Andi ang lahat para proteksyunan ito sa mga intriga na kakabit na ng nasabing industriya. Simula din noon kahit mayroong silang hindi pagkakaunawaan ay hindi nila hinayaang maramdaman ni Ellie na hiwalay ang kaniyang mga magulang.


"Okay naman, we went through so much in the past, we were young. We have definitely grown past that and I can say that we really had good partnership and I’m so proud of us," pahayag ni Andi sa ilang mga interview patungkol sa pagiging magulang nila ng dating kasintahan sa kanilang anak.




Sa lahat nga ng mga mahahalagang kaganapan sa buhay ni Ellie kagaya na lamang ng birthday, graduation at iba pa ay nandoon sina Andi at Jake para ipakita ang suporta sa kanilang anak. 


Sa katunayan kamakailan lang ay magkasama ulit ang dalawa sa pagdalo nila sa piano recital ni Ellie kung saan ipinamalas niya ang pagtugtog ng nasabing instrumento. 


Ang masayang kaganapan na ito ay ibinahagi nina Andi at Jake sa kani-kanilang Instagram accounts at kitang-kita kung gaano sila ka-proud kay Ellie. Kasama din noon ni Andi ang kaniyang pangalawang anak na si Lilo sa kasalukuyan nitong katuwang sa buhay na si Philmar Alipayo. Nandoon din ang ilan pang malalapit kay Ellie kagaya na lamang ng ina ni Andi na si Jaclyn Jose at kapatid ni Jake na si Jerika Ejercito.

Comments

Popular posts from this blog

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Lalaki Natagpuan Ang Napakaraming Pera Sa Gilid Ng Pinto Ng Kanyang 2nd Hand Na Kotse

Tawang-tawa Ang Amo Sa Kanyang Alagang Aso Matapos Matagpuan Ang Isang Pustiso Sa Kanilang Bakuran

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa