Angkas o Angkiss: Marka sa Likod ng Motorcycle Driver, Trending Ngayon sa Social Media!




Trending sa social media ang post ng isang netizen na si Angelica Manipol patungkol sa larawan ng isang angkas driver na mayroong kiss mark sa likod ng kaniyang uniporme. Ang post na ito ay hindi nakaligtas sa mga netizens kung saan ay marami ang nagpahayag ng mga nakakatawang komento at mga haka haka.

Hindi man direktang nasabi sa caption ng post kung paanong nangyari ang kaganapang ito ay maraming netizens ang nagsuhestyon na ito ay dahil sa pagpreno ng driver. Bukod kasi sa community focused facebook pages na nag-share, kapansin pansin din ang pagshare ng kilalang automative journalist, social media personality at tv host ng CNN Philippines na si James Deakin.





Tila naaliw ito sa good vibes na dulot ng post na ito sa kabila ng kasalukuyang kinakaharap na issue ng grupong Angkas at ng kabuuang industriya ng motorcycle taxis sa ating bansa. Kamakailan lamang ay usap usapan din si James Deakin sa social media dahil sa kaniyang speech sa senado hearing ukol sa regulasyon ng mga motorcycle taxis. 

Marami ang namangha dito dahil sa kaniyang pahayag na aminado ito na hindi ang Angkas at iba pang mga motorcycle taxis ang pinakaligtas na paraan ng transportasyon subalit ito ay maaring maging alternatibong solusyon sa kasalukuyang hinaharap na krisis ng trapiko sa ating bansa. 

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Mabait Na Security Guard Tinulungan Ang Isang Bata Na Nakatulog Sa Kalsada

Lalamove Rider Na May Sira-Sirang Sapatos Binigyan Ng Sapatos Ng Kanyang Customer