Aso Nailigtas Ang Kanyang Amo Sa Trip Na Papunta Sanang Wuhan Sa Pamamagitan Ng Pagsira Ng Passport Nito


Sa paglaganap ng Wuhan coronavirus sa China at sa iba pang parte ng mundo, maraming mga turista ang naapektuhan sa kanilang pagta-travel dahil sa mahigpit na travel ban. Ngunit ang isang babaeng ito ay malaking pasasalamat pa niya dahil nasira ang kanyang passport bago siya makaalis ng Taiwan patungo sanang Wuhan, China. 

Kwento ng Taiwanese na babae na ilang araw bago ang kanyang biyahe ay nakita na lamang niya ang kanyang passport na nagka-sira sira dahil nginat-ngat ito ng kanyang asong si Kimi. 

Noong mga panahong iyon ay hindi pa masyadong kalat sa balita ang tungkol sa coronavirus at marami pa ang hindi nakakaalam tunkol dito sa ibang parte ng mundo. Kaya naman ilang linggo nang pumutok ang balita ay laking tuwa niya na hindi natuloy ang kanyang trip.

Imbes na kukuha sana siya ng panibagong passport ay minabuti na lamang niyang ipagpaliban muna ang kanyang pagbi-byahe.

Matapos mag-viral ang balita tungkol sa Wuhan outbreak ay nagpost siya sa kanyang Facebook account at ipinagmalaki ang kanyang asong si Kimi dahil nagsilbi raw itong 'guardian angel' niya at iniligtas nito ang buhay niya. Dahil kung sakali mang natuloy ang kanyang trip patungong China ay baka nasama siya sa mga taong na-lockdown doon.

"This dog is really protecting me. After my passport was torn apart, the virus began to go where I originally planned to go. If I think about it now, it's very touching. Fortunately, you blocked me from going on my trip."

Sa katunyan, wala siyang ideya kung paano rin natagpuan ng kanyang alagang asong golden retriever and kanyang pasaporte. Ngunit wika ng ilang netizens na baka nakaramdam ang kanyang aso ng paparating na panganib kaya naman nagawa niya itong sirain at napigilan ang kanyang amo na lumipad patungong China.

Kaya blessing in disguise na nga siguro ang nangyaring pagkasira ng kanyang passport. Good job Kimi!

Comments

Popular posts from this blog

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira

Sana All! Basag na Cellphone ng Isang Babae, Pinalitan Kaagad ng iPhone 11 ng Kaniyang Bestfriend!

Tawang-tawa Ang Mga Netizens Sa Sagot Ng Isang Grade 2 Pupil Sa Kanilang Exam

Kumpanya Nagbigay Ng Grocery Supplies At 1 Buwang Financial Assistance Sa Kanilang Mga Empleyado

Netizen, Laking Pasasalamat Sa Kanilang Employer Na Kahit Maliit Na Kumpanya Ay Nagpamalas Ng Malasakit Sa Kanila